Ang Panginoong Jesucristo ba ang
tinutukoy sa Kawikaan 8:22-30?
UPANG patunayan na diumano’y
itinuturo ng Biblia na si Cristo ay existido na noon pang una, bago pa nilalang
ang sanlibutan, lahat ng sa tingin nila ay maaari nilang gamiting talata ay
ginagamit nila upang gamiting katunayan nito bagamat wala naman doon sinasabi
na si Cristo ay Diyos o si Cristo ang tinutukoy doon. Sa pamamagitan lang ng
kanilang pagkaunawa o interpretasyon ay doon ay sa gayon lang nila napalalabas
na si Cristo ang tinutukoy sa talatang iyon. Subalit, sa maraming pagkakataon
ay napapahiya sila sa pagsasabing si Cristo raw ang tinutukoy sa mga talatang
kanilang ginagamit. Ang isang halimbawa nito ay ang Kawikaan 8:22-30. Ganito
ang sinasabi sa talata:
“Inari ako ng
Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa
ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang
lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana
ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang
pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon
ako: Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang
pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan Upang huwag salangsangin ng
tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa
siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang
ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya.” (Kawikaan 8:22-30)
Ipinakahulugan ng mga
naniniwalang si Cristo ay Diyos na ang Panginoong Jesus daw ang tinutukoy dito
sa talatang sinipi. Siya daw ang tinutukoy na “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan
ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang
pasimula, Bago nalikha ang lupa.”
Si Cristo ba ang tinutukoy dito
sa Kawikaan 8:22-30?