Kung pinag-uukulan natin ng
panahon ang para sa buhay na ito, lalong dapat nating pag-ukulan ng panahon ang
para sa ikapagtatamo natin ng kaligtasan
Mayroong ang pinagbubuhusan lamang ng pansin ang pag-aaral
sapagkat naniniwala siyang ito ang ikatutupad ng kaniyang mga pangarap. Mayroon
naman na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang paghahanapbuhay sapagkat naniniwala
siyang dito nakasalalay ang kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya. Hindi masama
na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral at ang paghahanapbuhay. Ang masama ay kung
puro lamang sa buhay na ito ang bibigyang-pansin.
Ano angkasamaan kapag puro lamang
sa buhay na ito ang binibigyang-pansin?
Baka Abutang Hindi Handa
Masama na puro lamang sa buhay na ito ang binibigyang-pansin
sapagkat baka abutan tayo ng Araw ng Paghuhukom na hindi handa:
“Mag-ingat kayo na huwag magumon sa
katakawan at paglalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay
na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon
nang di inaasahan ng tao sa buong daigdig.” (Lukas 21:34-35 MB)
Hindi masama ang pagtuunan ng
pansin ang ukol sa buhay na ito alo na’t may kinalaman sa ikapagtatamo ng
magandang kinabukasan at ikatutugon ng pangangailangan ng pamilya, subalit kung
mabubuhos ang isip sa mga intindihin sa buhay na ito na dahil dito ay aabutan
ng Araw ng Paghuhukom na hindi handa, iyan ang masama sapagkat kapahamakan ang
kahihinatnan ng mga ang pinag-ukulan lamang ay ang mga bagay na panlupa:
“Kapahamakan ang kahihinatnan nila
sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig ng kanilang katawan. Ikinararangal
nila ang mga bagay na dapat sana
nilang ikahiya at ang pinag-uukulan lang nila ng pansin ay ang mga bagay na
panlupa.” (Filipos 3:19 MB)
Hindi lamang mawawalan ng
kabuluhan ang pinagpagalan ng tao sa Araw ng Paghuhukom, kundi ang mga gayun ay
mapapahamak at hindi maliligtas. Kaya, inaaralan tayo na maging handa sa lahat
ng oras:
Kaya't maging handa kayo sa lahat ng
oras. Lagi ninyong idalangin na
magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito at makaharap
sa Anak ng Tao." (Lukas 21:36 MB)
Ano ang ipinagagawa sa atin upang
hindi tayo mapahamak sa Araw ng Paghuhukom? Ang maging handa sa lahat ng oras.
Kung paanong naghahanda tayo sa pagdating ng isang kalamidad, kahirapan o
kaguluhan upang maligtas sa kapahamakan, lalong dapat tayong maghanda sa
pagdating ng Araw ng Paghuhukom upang huwag mapahamak sa araw na iyon.
Dapat tayong maging laging handa
sa lahat ng oras sapagkat walang nakaaalam ng pagdating ng araw na iyon. Kung
magkagayon man, ipinagpauna na sa atin ng Biblia ang mga palatandaan na
nagbabadiya na malapit na ang Araw ng Paghuhukom – mga digmaan, kahirapan, kaguluhan, kagutom at
paglindol sa iba’t ibang dako (Mateo 24:3 at 33 at 6-8). Hindi ba’t ngayon ay
pawang nakikita na natin na nagaganap ang mga bagay na ito? Samakatuwid, ngayon
higit sa lahat dapat maging handa sapagkat totoong napakalapit na natin sAraw
ng Paghuhukom.
Sino ang aabutang hindi handa?
Ang para lamang sa buhay na ito ang binibigyang pansin. Kaya, kung
pinag-uukulan natin ng panahon ang para sa buhay na ito, lalo nating dapat
nating pag-ukulan ng panahon ang para sa ikapagtatamo ng kaligtasan o ang
maging handa sa pagdating ng Araw ng paghuhukom.
Ang Abutang Handa
Ang aabuting handa at siyang
magiging mapalad sa Araw ng paghuhukom ay aabutin o masusumpungang sa
kapayapaan na walang dungis at walang kapintasan:
“Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y
nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa
kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.” (II Pedro
3:14)
Ang aabutang handa na magiging
mapalad ay ang aabutan o masusumpungang nasa kapayapaan na naa katawan ni
Cristo:
“At maghari sa inyong puso ang kapayapaan
ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging
mapagpasalamat.” (Colosas 3:15 )
Ang katawan ay ang Iglesia na si
Cristo ang ulo (Col. 1:18), na tinatawag sunod kay Cristo bilang kaniyang ulo o puno – tinatawag na Iglesia ni
Cristo (Roma 16:16 NPV). Kaya dapat tayong bautan ng Araw ng Paghuhukom o
masumpungan ng ikalawang pagparito ni Cristo na nanananatili sa loob ng Iglesia
ni Cristo na walang dungis at kapintasan.
Paano natin mapaninindiganan ang ating pagka-Iglesia ni Cristo
dumating man ang mga balakid, mga pagsubok at kabalisahan? Sa Awit 25:1 ay
ganito ang ating mababasa:
“Ang mga nagtitiwala sa PANGINOON ay
tulad ng Bundok ng Sion, na di matitinag kundi mananatili magpakailanman.” Awit
125:1 NPV
Ang nagtitiwala sa Diyos ang
hindi matitinig bagkus ay mananatili magpakailanman. Kaya, upang mapanindiganan
natin ang ating pagka-Iglesia ni Cristo at huwag itong maipagpalit sa anuman o
sa kaninuman, ilagak nating lubos ang ating pagtitiwala sa ating Diyos. Ang
nagtitiwala ay ang magpapatuloy anuman ang dumating sa kaniyang buhay; ang
mananatili sa kasiglahan sa paglilingkod at pagsamba sa Diyos; ang sa Diyos
itinitiwala ang kaniyang buhay at sambahayan; at ang sa Diyos inilalagak ang lahat
ng suliranin at bagabag.
Anupa’t. kung [pinagtutuunan
natin ng pansin at panahon ang ukol sa buhay na ito (ang pag-aaral at ang
paghahanapbuhay), pagtuunan din natin ng pansin at huwag pabayaan ang ating
pagka-Iglesia ni Cristo, ang pagsamba at paglilingkod sa Diyos.
No comments:
Post a Comment
Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.