Monday, January 14, 2013

HEBREO 1:10



Si Cristo ba ang tinutukoy sa Hebreo 1:10 na “Manlalalang”?


Si Cristo raw ay Manlalalang, Siya raw ang lumalang ng langit at lupa. Maliwanag daw na ito’y pinatutunayan sa Hebreo 1:10. Ganito ang isinasaad ng talata:

“At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay.” Hebreo 1:10

Maliwanag daw na ang binanggit na “Panginoon” sa talata ay “Manlilikha” o “Manlalalang.” Sapagkat si Cristo raw ang “Panginoon” na binabanggit sa talata, kaya si Cristo raw ay “Manlalalang,” ang naglagay ng kinasasaligan ng lupa, at ang gumawa ng langit, anupat, si Cristo nga raw ay Diyos na Manlalalang.



SAGOT:

Kung tatanggapin natin na si Cristo ang tinutukoy na manlalalang sa Hebreo 1:10, lalabas na ang Diyos na Manlalalang ay may Diyos. Pansinin ang pahayag sa Hebreo 1:9:

“Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.” (Hebreo 1:9)

Maliwanag ang sinasabi ng talata tungkol kay Cristo na “ang Dios, ang Dios mo.” Lalabas dito na magiging dalawa ang Diyos: si Cristo na “Panginoong Manlalalang” at ang Diyos Niya. Ganito naman isinalin ang talatang ito ng Magandang Balita Biblia:

“Kinalulugdan mo ang paggawa ng matuwid, Ngunit ang pagsuway ay kinamumuhian, Kaya't hinirang ka ng Diyos, na iyong Diyos, At pinuspos ng kagalakan - Higit sa mga kasama mo.” (Hebreo 1:9 MB)

Sinasabi sa talata na “hinirang ka ng Diyos.” Kung tatanggapin natin na si Cristo ay Diyos na Manlalalang ay lalabas na magiging dalawa angDiyos sapagkat binanggit sa talatang Hebreo 1:9 ng saling Magandang Balita na si Cristo ay “hinirang ng Diyos.”

Samantalang ang Panginoon, ang Diyos na Manlalalang na lumikha ng langit at lupa ay nag-iisang tunay na Diyos at walang iba liban sa Kaniya:

“Ako ang Panginoon, at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala, Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
 “Aking ginawa ang lupa, at nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
“Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba. 
“Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.” (Isaias 45:5-6 at 12 at 18 at 21)

Ang Diyos na Manlalalang ay ang Ama:

“Hindi ba iisa ang ating Ama at ito'y ang iisang Diyos na lumalang sa atin?  Kung gayo'y bakit sumisira tayo sa pangako sa isa't isa at bakit winawalang-kabuluhan natin ang kasunduan ng Diyos at ng ating mga magulang?” (Malakias 2:10 MB)

Ito ang mga suliraning kakaharapin kapag tinanggap na si Cristo ang “Panginoon na Manlalalang” na binabanggit sa Hebreo 1:10. Kaya, tiyak natin na hindi si Cristo ang binabanggit sa Hebreo 1:10 na “Panginoong” na Manlalalang o Manlilikha.

Ang tanong ngayon ay kung hindi si Cristo ang binabanggit sa Hebreo 1:10 na “Panginoon” na lumika ng langit at lupa, bakit ito sinipi ng sumulat ng Hebreo? Sipiin muli natin ang talata:

“At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay.” Hebreo 1:10

Ang sabi sa talata, “At, ikaw, Panginoon, nang pasimula’y inilagay mo ang KINASASALIGAN ng lupa.” Hindi si Cristo ang binabanggit sa talata na “Panginoon” kundi ang binabanggit na “kinasasaligan.” Tinawag nga ba ng Biblia si Cristo na “kinasasaligan”? Sa Efeso 2:20 na isinulat ni Apostol Pablo na Siya ring sumulat ng Hebreo ay ganito ang Kaniyang sinasabi:

“Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok.” (Efeso 2:20)

Sanakatuwid, hindi si Cristo ang binabanggit na “Panginoon” na Manlalalang sa Hebreo 1:10, kundi siya ang binabanggit na “kinasasaligan ng lupa.”

Tunay na hindi tinawag si Cristo na Diyos, hindi Siya tinawag na “Manlalalang” sa Hebreo 1:10.

No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.