Ang mga Nagtuturo na si Cristo ay Tao sa
Likas na Kalagayan ay Sila rin ang Nagbigay ng Patotoo na si Cristo ay Hindi
Diyos
Kung susuriin lamang na mabuti ay makikitang ang
pananampalataya ng Iglesia Ni Cristo patungkol sa Panginoong Jesucristo ay
nakabatay sa aral na nakasulat sa Biblia. Hindi kami nagbibigay ng pansariling
paliwanag o ng haka-haka sa mga talata ng Biblia. Ang lahat ng itinuturo ng
Iglesia Ni Cristo patungkol kay Cristo ay pawang nakasulat sa Biblia.
Kung itinuturo man ng Iglesia ni
Cristo na si Cristo ay Tao sa likas na kalagayan, sapagkat ito ang maliwanag at
tuwiran na nakasulat sa Biblia. Kung itinuturo man namin na si Cristo ay hindi
Diyos, sapagkat ang mga nagpahayag mismo na si Cristo ay tao sa likas na
kalagayan ay sila rin ang nagbigay ng matitibay na patotoo na ang Panginoong
Jesucristo ay hindi Diyos.