dapat
pahalagahan at igalang ang institusyon ng kasal o pag-aasawa
Marami tayong nakikita ngayon sa sanlibutan
na nag-aasawa sa isang mamayan ng bansang nais niyang puntahan at kung naroon
na ay nakikipaghiwamay na (kung tawagin ay marriage
of convenience). Ang iba ay nagsassama ng
hindi kasal kahit walang hadlang sa batas na makasal (kung tawaging ay
pakikipag-live-in). Ang iba ay may
asawa o kasal nga subalit hindi nagsasama (hiwalay o diborsiyo). Ang iba naman
ay kasal sa iba ngunit may kinakasamang iba. Ang iba ay hiwalay subalit iba ang
kinakasama.
Ang mga ito ay hindi dapat
masumupungan sa kaninumang lingkod ng Diyos sapagkat ang mga gawang ito at
anumang kauri nito ay lumalapastangan, hindi gumagalang, humahamak, at hindi
nagpapahalaga sa kasal at sa pag-aasawa.
Bakit dapat lamang na igalang at
pahalagahan ang pag-aasawa o kasal?
ANG DIYOS ANG
NAGTATAG
NG PAG-AASAWA
O KASAL
Ang paglapastangan sa pag-=aasawa
o kasal ay paglapastangan sa Diyos, ang paghamak dito ay paghamak sa Diyos, ang
hindi pagpapahalaga rito ay hindi pagpapahalaga sa Diyos sapagkat ang Diyos ang
lumalang ng pag-aasawa o kasal. Ito ang pinatutunayan sa Genesis 1:27-28:
“At nilalang ng Dios
ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya
nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios,
at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan
ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga
isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa
ibabaw ng lupa.” (Genesis 1:27-28)
Ang Panginoong Diyos mismo ang
nagtatag ng pag-aasawa o ang insitusyon ng kasal. Papaano itinatag ng Diyos ang
pag-aasawa? Binasbasan muna ng Diyos sina Adan at Eba, ang mga unang taong
nilalang ng Diyos, bago sila pinapagsama bilang mag-asawa.
Kaya, banal at sagrado ang kasal
sapagkat ang Diyos mismo ang nagtatag nito. Dahil dito, hindio dapat magsama na
tulad ng mag-asawa ang hindi pa kasal (ang pakikipag-live-in) sapagkat ang
gayun ay paglapastangan sa pag-aasawa na itinatag ng Diyos.
ANG UTOS NG
DIYOS NA DAPAT
MAGING
PAGTRATO SA KASAL
Sapagkat ang Diyos ang nagtatag
ng pag-aasawa, kaya dapat na masunod ang utos ng Diyos ukopl sa pag-aasawa o sa
kasal – dapat na igalang ng lahat ang
pag-aasawa:
“Dapat igalang ng
lahat ang pag-aasawa, at maging tapat sa isa't isa ang mag-asawa…” (Hebreo 13:4
MB)
Ang ipinag-uutos ng Biblia na
dapat maging pagtrato sa pag-aasawa ay “Dapat
igalang ng lahat ang pag-aasawa.” Nagsisimula ang paggalang sa pag-aasawa o
kasal sa pagtataglay ng “malinis na layunin” sa pagpapakasal. Hindi sa layuning
makatakas lamang sa pamilya, huwag mapag-iwanan, makapag-abroad o magkaroon ng
citizenship sa ibang bansa, at iba pang tulad nito. Ang ganito pala ay nagkakasala
rin sa Panginoong Diyos.
Ang pag-ibig sa isa’t isa ang
dapat na maging dahilan ng pagpapakasal o pagpasok sa buhay may-asawa ng isang
lalake at isang babae. Kaya ang pagliligawan at ang pakikipagtipan, at lalo na
ang pag-aasawa ay hindi dapat biruin o maging “laro” lamang sa mga kabinataan
at kadalagahan.
Ano pa ang katangian ng
gumagalang sa pag-aasawa? Ang sabi sa talata, “Tapat sa isa’t isa ang mag-asawa.” Kaya, hindi dapat
makipagrelasyon sa iba ang may asawa na. Ang gayun ay hindi lamang sumisira sa
magandang ugnayan ng mag-asawa kundi kawalang paggalang pa sa kabanaln ng
pag-aasawa.
KUNG PAANO HIGIT SA LAHAT
MAIPAPAKILALA ANG PAGGALANG AT PAGPAPAHALAGA SA PAG-AASAWA
Lalong maipapakilala ang paggalang at pagpapahalaga sa pag-aasawa o kasal
na itinatag ng Diyos sa pamamagitan ng buong katapatan na sundin ang batas ng
Diyos sa mag-asawa o sa babae at lalaking ikinasal. Ito ang itinuro ng
Panginoong Jesucristo sa Mateo 19:4-6:
“At siya'y sumagot at
sinabi, Hindi baga ninyo nabasa, na ang lumalang sa kanila buhat sa pasimula,
ay sila'y nilalang niya na lalake at babae, At sinabi, dahil dito'y iiwan ng
lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa
ay magiging isang laman? Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag
papaghiwalayin ng tao.” (Mateo 19:4-6)
Maliwang ang batas ng Diyos na “ang pinapagsama ng Diyos ay huwag papaghiwalayin ng tao.” Kaya kung
may batas man sa isang bansa na pinapahintulutan ang paghihiwalay ng mag-asawa
o ang diborsiyo, nananatili itong labag sa batas ng Diyos.
ANG PAYO NG BIBLIA UPANG
MAGING MATATAG
ANG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA
Hindi ang dapat na maging
sulusyon sa problema ng mag-asawa ay ang maghiwalay, kundi ang magkasundo. Ang
pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa ay hindi nangangahulugan na may diperensiya
ang itinatag ng Diyos na institusyon ng pag-aasawa o kasal. Hindi ang batas ang
batas ng Diyos na ipinagbabawal ang paghihiwalay o diborsiyo ng mag-asawa ang
may diperensiya. Ang pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa ay bunga ng katigasan
ng ulo ng isang lalake o isang babaing may-asawa, na hindi sinunod ang
ipinapayo ng Diyos na nakasulat sa Biblia na dapat na maging kaayusan ng
pagsasama ng mag-asawa. Ito ang mga sumusunod:
(1) Ang lalake ang dapat na maging pangulo at
ang babae ay dapat na pasakop:
“Pasakop kayo sa isa't
isa tanda ng inyong paggalang kay Cristo. Mga babae, pasakop kayo sa
inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki
ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni
Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas
nito. Kung paanong nasasakop ni Cristo ang iglesya, gayon din naman, ang mga
babae'y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa.” (Efeso 5:21-24 MB)
(2) Ibigin naman ng lalake ang kaniyang asawa,
na mahalin, alagaan at huwag kamuhian:
“Mga lalaki, ibigin
ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya
ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya.
Inihandog niya ang kanyang buhay
para rito. Upang ang iglesya'y italaga sa Diyos matapos linisin sa pamamagitan
ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang
iglesya, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat
mahalin ng lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay
nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong
namumuhi sa sarili niyang katawan, bagkus ito'y pinakakain at
inaalagaan, gaya ng ginagawa ni Cristo
sa iglesya.” (Efeso 5:25-29)
(3) Igalang naman ng babae ang kaniyang asawa:
“Subalit ito'y
tumutukoy rin sa bawat isa sa inyo:
mga lalaki, mahalin ninyo ang
inyu-inyong asawa gaya
ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyu-inyong asawa.” (Efeso 5:33
MB)
(4) Ang lalake ay namamahalang mabuti sa
kaniyang sariling sambahayan:
“Namamahalang mabuti
ng kaniyang sariling sangbahayan, na sinusupil ang kaniyang mga anak na may
buong kahusayan.” (I Timoteo 3:4)
(5) Kinakandilii ng lalae (ibinibigay ang mga
pangangaialangan) ng kaniyang sariling samabahayan:
“Datapuwa't kung ang
sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa
kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong
masama kay sa hindi sumasampalataya.” (I Timoteo 5:8)
(6) Ang babae ay maging masipag sa bahay,
maasikaso sa pamilya, mapagtitiwalaan, nakapag-iimpok, at sumusubaybay na
mabuti sa sambahayan:
“Mahirap makakita ng
mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga. Lubos ang tiwala
ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya. Pinaglilingkuran
niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di
kasamaan. Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi
ng kanyang lino at saka ng lana. Tulad ng isang barkong tigib ng kalakal, siya
ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar. Bago pa sumikat ang araw ay
inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ng gawain ng mga
katulong sa bahay. Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang
kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas. Gayunma'y naiingatan ang kamay at
katawan upang matupad ang lahat ng tungkulin niya araw-araw. Sa kanya'y
mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga.
Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit. Matulungin siya
sa mahirap at sa nangangailangan ay bukas ang palad. Hindi siya nag-aalala
dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na
kasuutan. Gumagawa siya ng makakapal na kubrekama at damit na pinong lino ang
dinaramit niya. Ang kanyang asawa'y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga
pangunahing mamamayan. Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuutan at
ipinagbibili sa mga mangangalakal. Marangal at kapita-pitagan ang kanyang
kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal. Ang mga salita niya ay
puspos ng kaalaman at ang turo niya ay pawang katapatan. Sinusubaybayan niyang
mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw.
Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak: Maraming
babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka. (Kawikaan 31:10-29
MB)
(7) Pinakikitunguhang mabuti ng lalake ang
kaniyang asawa:
“Kayo namang mga
lalaki, pakitunguhan ninyong mabuti ang inyu-inyong asawa, sapagkat sila'y
mahina, at tulad ninyo'y may karapatan din sa buhay na walang hanggang kaloob
sa inyo ng Diyos. Sa gayon, walang
magiging sagabal sa inyong panalangin.” (I Pedro 3:7 MB)
(8) Maging tapat sa isa’t isa:
“Dapat igalang ng
lahat ang pag-aasawa, at maging tapat sa isa't isa ang mag-asawa…” (Hebreo 13:4
MB)
(9) Maging mabait at maawain sa isa’t isa, na
mangagpatawaran at mag-unawaan (alisin ang samaan ng loob, huwag mambubulyaw,
manlalait o mananakit ng damdamin ng
isa’t isa):
“Alisin na ninyo ang
lahat ng sama ng loob, galit at poot; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait,
at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa
isa't isa, at magpatawaran, tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa
pamamagitan ni Cristo.” (Efeso 4:31-32 MB)
Ang nakasusunod at nagtatapat sa
mga utos ng payo ng Diyos ang pinagpapala at magkakamit ng paglingap mula sa
Panginoon:
“Sapagka't iyong
pagpapalain ang matuwid; Oh Panginoon, lilibirin mo siya ng paglingap na gaya ng isang kalasag.”
(Awit 5:12)
Samakatuwid, ang upang maging
matatag at mapayapa ang pagsasama ng mag-asawa ay nakasalalay sa pagpapala ng
Diyos. Dapat na iaglang at pahalagahan ang pag-aasawa o kasal na itinatag ng
Diyos at buong katapatang sundin ang utos ng Diyos sa mga mag-awasa upang
atuloy matamo ang pagpapala at basbas ng Diyos.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletePaki-linaw naman po ng sinasabi ninyong "paano kung nasumpungan ng nag-asawa pero di naman po Iglesia Ni Cristo?" Ano po ang tinutukoy ninyo?
ReplyDelete