Wednesday, January 16, 2013

COLOSAS 2:9



Pinatutunayan ba sa Colosas 2:9 na si Cristo ay Tunay na Diyos?


Ang pahayag ng Colosas 2:9 na kay Cristo ay “nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios” ay matibay na katunayan daw na si Cristo ay tunay na Diyos. Ganito ang sinasabi ng Biblia sa nasabing talata:

“Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,” (Colosas 2:9)

Sa saling King James version ay ganito ang pagkakasalin sa talatang ito:

“For in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily.” (Colosas 2:9 KJV)

Ang ikinakatuwiran nila ay ang pinanahanan ng buong kapuspusan ng pagka Diyos ay tunay na Diyos. Tama ba ang kanilang konklusyong ito? Pinatutunayan nga ba ng Colosas 2:9 na si cristo ay tunay na Diyos?



SAGOT:

Hindi nagtuturo ang Colosas 2:9 na si Cristo ay tunay na Diyos:

UNA, walang pahayag sa talata na “si Cristo ay tunay na Diyos.” Opinyon, haka-haka o konklusyon lamang nila ang pagsasabing itinuturo ng Colosas 2:9 na si Cristo ay Diyos.

IKALAWA, kung tatanggapin natin na si Cristo ay tunay na Diyos dahil sa banggit na “pinanahanan ng buong kapuspusan ng Diyos” ay magiging dalawa ang Diyos sapagkat iba ang nananahan (ang Diyos) at ang pinanahanan (si Cristo).

IKATLO, kung tatanggapin natin na si Cristo ay Diyos sapagkat pinananahanan ng kapuspusan ng pagka-Diyos ay dadami ang Diyos sapagkat sinasabi ng Biblia na ang mga Cristiano ay “mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Diyos”:

“At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios.” (Efeso 3:19)

Sa saling King James Version ay ganito naman ang pagkakasalin sa talatang ito:

“And to know the love of Christ, which passeth knowledge, that ye might be filled with all the fulness of God.” (Efeso 3:19 KJV)

Samakatuwid, kung sinabi man ng Biblia sa Colosas 2:9 na si Cristo ay “pinananahanan ng buong kapuspusan ng pagka-Diyos” ay hindi nangangahulugan ng si Cristo ay Diyos. Hindi dapat magbigay ng sariling pakahulugan sa sinasabi ng Biblia upang ang tao’y huwag mahulog sa maling pananampalataya.

No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.