Monday, January 7, 2013

Roma 9:5


Tinawag nga ba ni Apostol Pablo si Cristo na
Diyos sa Roma 9:5?

Ang mga nainiwalang si Cristo ay Diyos ay naniniwala na tinawag daw ni Apostol Pablo si Cristo na Diyos sa Roma 9:5. Ang talatang ito ay isa rin sa karaniwang ginagamit nila sa pagpapatunay na si Cristo raw ay Diyos.

Sa saling King James Version ang banggit lamang ay “who is over all God blessed for ever”:

“Whose are the fathers, and of whom as concerning the flesh Christ came, who is over all, God blessed for ever. Amen.” (Romans 9:5 KJV)


Subalit sa saling New King James Version ay tuwiran ng tinawag si Cristo na “eternally blessed God”:

“of whom are the fathers and from whom, according to the flesh, Christ came, who is over all, the eternally blessed God. Amen.” (Romans 9:5, NKJV)

Sa saling New International Version naman ay tuwiran na tinawag si Cristo na “God over all”:

“Theirs are the patriarchs, and from them is traced the human ancestry of Christ, who is God over all, forever praised! Amen.” (Romans 9:5 NIV)

Tinawag nga ba ni Apostol Pablo si Cristo na "Blessed God" at "God over all" sa Roma 9:5?

 Tatawagin ba ni Apostol Pablo
si Cristo na “Blessed God”

Sino ang tinutukoy ni Apostol Pablo na “Diyos na dapat luwalhatiin magpakailanman” o ang “blessed God”? Sa Isa pang sulat ni Apostol Pablo ay ganito ang mababasa:

“If I have to ‘brag’ about myself, I'll brag about the humiliations that make me like Jesus. The eternal and blessed God and Father of our Master Jesus knows I'm not lying.” (II Cor. 11:30-31, The Message)

Maliwanag na sinasabi sa sulat ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto na ang “eternally blessed God” ay ang “Ama ng Panginoong Jesuscristo.” Pansinin na kung tinawag ni Apostol Pablo si Cristo sa kaniyang sulat sa mga taga-Roma  na “the eternally blessed God”, lalabas na si Cristo (ang “eternally blessed God”) ay ang Ama ng isa pang Cristo (sapagkat ang “eternally blessed God” ay “Ama” ni Cristo ayon sa sulat ni Pablo sa mga taga-Corinto).
Ano naman ang patotoo ng Ebanghelyo ayon kay Marcos patungkol sa ating Panginoong Jesus?

The high priest asked Jesus another question: ‘Are you the Christ, the Son of the blessed God?’ Jesus answered, "I am. And in the future you will see the Son of Man sitting at the right hand of God, the Powerful One, and coming on clouds in the sky." (Mark 14:61-62, New Century Version)

Malinaw na pinatutunayan dito na ang panginoong Jesucristo ang “Son of the blessed God.” Kung si Cristo ang “eternally blessed God,” lalabas na ang “eternally blessed God” na si Cristo ay “Anak” (“Son”) ng isa pang “blessed God, sapagkat maliwanag sa Ebanghelyo ayon kay Marcos na si Cristo ay ‘Son of the blessed God.”

Samakatuwid, tiyak na hindi tatawagin ni Apostol  Pablo si Cristo na “eternally blessed God” sa Roma 9:5 sapagkat hindi sasalungatin ni Apostol Pablo ang kaniyang sariling sulat at maging ang iba pang mga aklat ng Bagong Tipan. Dahil dito, natitiyak natin na maling salin ng Roma 9:5 ang salin ng New King James Version kung saan si Cristo ay tinawag na “eternally blessed God.”


Tatawagin ba ni Apostol Pablo
si Cristo na “God over all”

Sa New International Version ng Roma 9:5 ay tinawag daw ni Apostol Pablo si Cristo na “God over all.” Sa wikang Pilipino ang katumbas nito ay “kataastaasang Diyos”:

“Sa kanila mula ang mga patriyarka, gayon din ang lahing pinagmulan ni Cristo, ang Kataastaasang Dios na pinapupurihan magpakailamnan!  Amen.” (Roma 9:5 NPV)

Ang katumbas pa ng “kataastaasang Diyos” ay “Diyos na hindi nasasaklaw ninuman”:

“Sa kanila ang mga dakilang ninuno; at sa kanila rin ayon sa lahi si Kristo na siya namang Diyos na di saklaw ng anuman. Purihin siya magpakailanman.” (Roma 9:5 BSP)

Kung si Cristo ay tinawag ni Apostol Pablo na “Diyos na hindi saklaw ng anuman” sa Roma 9:5 ay lalabas na may salungatan sa mga sulat ni Apostol Pablo sapagkat sa I Corinto 11:3 ay ipinahayag niya na “ang Diyos ang nakasasakop (nakasasaklaw) kay Cristo”:

“Ngunit ibig kong maunawaan ninyong si Cristo ang nakasasakop sa bawat lalaki, ang lalaki ang nakasasakop sa kanyang asawa, at ang Diyos naman ang nakasasakop kay Cristo.” (I Corinto 11:3 MB)

Kung tinawag ni Apostol Pablo na Diyos si Cristo sa Roma 9:5, lalabas na dalawa ang Diyos sapagkat si Cristo (na tinawag daw ni Pablo na Diyos) ay pinatutunayan din ni Pablo na nasasakop ng Diyos.
Bakit naman natin natitiyak na hindi tatawagin ni Apostol Pablo si Cristo na “kataastaasang Diyos” o “God over all” sa Roma 9:5? Ganito naman ang pahayag ni Apostol Pablo sa I Corinto 15:27-28:

“Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa.  Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.” (I Corinto 15:27-28)

Ayon din kay Apostol Pablo ay susuko si Cristo sa Diyos upang ang Diyos ang maging lahat sa lahat. Kung si Cristo ay susuko sa Diyos ay hindi Siya ang “Kataastaasan,” at kung si Cristo ay susuko sa Diyos kaya ang Diyos ang magiging lahat sa lahat, kaya hindi si Cristo ang “who is over all.”

Pansinin na kung si Cristo ay Diyos, lalabas na magiging dalawa ang Diyos sapagkat si Cristo ay susuko sa Diyos. Kung si Cristo ay hindi ang kataastaasang Diyos, ano ang pagpapakilala ng Biblia patungkol kay Cristo? Ipinakilala Siya bilang ang “Anak ng Kataastaasan”:

“At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak ng Kataastaasan: at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama:
“At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.” (Lukas 1:31-32 at 35)

Samakatuwid, hindi tatawagin ni Apostol Pablo si Cristo na “God over all” o “Kataastaasang Diyos” sapagkat hindi niya sasalungatin ang kaniya ring isinulat na si Cristo ay susuko sa Diyos at ang Diyos ang nakasasakop kay Cristo, at hindi niya sasalungatin ang sinasabi ng Ebanghelyo na si Cristo ang “Anak ng Kataastaasan.”

Kaya, maling salin ng Roma 9:5 ang nagsasabing tinawag si Cristo na “kataasataasang Diyos” o “God over all”. Maling salin sapagkat sumasalungat sa iba pang sulat ni Apostol Pablo at sa iba pang aklat ng Bagong Tipan. Hindi sasalungatin ni Apostol Pablo ang kaniyang sarili, at hindi maaaring magkaroon ng salungatan sa Biblia sapagkat ang mga salita ng Diyos ay magkakawangis:

“Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.” (I Corinto 2:13)

Samakatuwid, natitiyak natin na maling salin ang isang talata kung sumasalungat sa ibang mga talata ng Biblia, at wasto ang pagkakasalin kung hindi sumasalungat sa ibang mga talata ng Biublia.
Ang Tamang Salin ng Roma 9:5

Sa saling Revised Standard Version ay hindi tinawag ni Apostol Pablo si Cristo na “Diyos”:

“To them belong the patriarchs, and of their race, according to the flesh, is the Christ. God who is over all be blessed for ever. Amen.” (Roma 9:5 RSV)

Pansinin na sa saling ito ang pahayag na “God who is over all be blessed for ever” ay isang bukod na pangungusap na isang doxologia o pagpupuri sa Diyos at hindi tumutukoy kay Cristo. Ano ang sinasabi ng mga nagsipagsiyasat ukol dito? Sa aklat na The Interpreter’s Bible, volume IX, p. 540:

               “5b. Ang kalahating talatang ito ay naging sentro ng walang katapusang pagtatalo. Ang suiliranin ay bumangon mula sa pinaghambing na dalawang salin sa Ingles. Yaon bang Diyos na nasa ibabaw ng lahat, pinagpala ng Diyos magpakailanman (o siya na nasa ibabaw ng lahat, pinagpala magpakailanman) ay isang pariralang tumutukoy kay ‘Cristo’ at kasama sa pangungusap na nakapaloob sa talatang 5 (gaya ng inilakip sa pariralang ito ay hiwalay batay sa gramatika, isang pagpupuri sa Diyos sa hulihan ng pagpapahayag ng mga biyayang tinamo ng Israel (gaya ng isinasaad ng RSV at ng nakararaming makabagong tagapagsalin)?….. ngunit ang dapat pagpilian marahil ay ang KJV at ang saling RSV. Ang nakararami sa mga makabagong kumentarista ay kumikiling sa huli (RSV) dahil hindi tatawagin dito ni Pablo si Cristo na ‘Dios’…” (Salin sa wikang Pilipino)

Samakatuwid, hindi tinawag ni Apostol Pablo si Cristo na Diyos sa Roma 9:5. Ito ay isang  doxologia lamang na isang pagpupuri sa Diyos at hindi tumutukoy kay Cristo.

Mapapansin na ang mga nagtuturong si Cristo ay Diyos ay hindi nila isinaalang-alang ang iba pang mga talata ng Biblia o ang iba pang mga pahayag ng Banal na Kasulatan ukol kay Cristo.

2 comments:

  1. Isang malaking katanungan lamang kapatid, kung si cristo ay hindi Dyos gaya ng inyong sinasabi, Bakit nasusulat sa John 5:23 "That all men should honour the Son, even as they honour the Father. He that honoureth not the Son honoureth not the Father which hath sent him." Hindi ba't ang sinabi ng Dyos ay "you must worship NO OTHER GOD FOR THERE IS NO OTHER GOD THAN ME". At sa Colossians 2:8-9 "and not after Christ.For in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily."? DIETY refers to GOD hindi ba kapatid? Paki basa na lang din po ang Hebrews 1:8. Isa pa, what is the point that God said in the Old Testament na, "I am the first and the last" at kung si Hesus ay hindi kapantay ng Dyos gaya ng inyong sinasabi so anong karapatan nya na para sabihin din sa Book of Revelation na "I am the first and the last"? Dahil that would make Jesus to blaspheme, am I right? And higit sa lahat anong karapatan ni Hesus na magpakilala na "I am" kung hindi sya Dyos eh diba ang pagpapakilala ng Dyos sa Old Testament ay, "I am who I am!" At ang John 1:1 ay isang napakasimpleng statement lamang mga kapatid. My prayers will be with you. Peace be with you in Christ Jesus.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Bro. Mael sa pag=post ninyo ng tanong. Ang inyong mga katanungan ay isa-isang sasagutin natin. Ang unang bahagi ng iyong tanong ay may sagot na na nai-post ngayong April 1, 2013. Ang iba mo pang mga tanong ay sa mga susunod natin sasagutin, paki abangan na lamang.

      Salamat po.

      Delete

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.