Thursday, January 3, 2013

UKOL SA ISAIAS 43:5-6




Ang Iglesia ni Cristo ang Katuparan ng Hula sa Isaias 43:5-6 at Hindi ang Israel sa Laman


Ang isa mga hula ng Banal na Kasulatan o ng Biblia na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo na nagpapatunay sa kaniyang kahalalan ay ang nakasulat sa Isaias 43:5-6. Ganito ang nilalaman ng talata:

“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.” (Isaias 43:5-6)

Ang hulang ito ni Propeta Isaias ay tumutukoy sa mga “anak na lalake at mga anak na babae” ng ating Panginoong Diyos. Siya mismo ang kumikilala sa kanila bilang Kaniyang mga anak, ang sabi ng Diyos, “dalhin mo rito ang AKING mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang AKING mga anak na babae mula sa wakas ng lupa.”

Bakit natin natitiyak na ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ang katuparan ng hinuhulaan ni Propeta Isaias na “mga anak ng Diyos” sa Isaias 43:5-6?

Magmumula sa dakong “Malayong Silangan”

Ang dakong pagmumulan ng hinuhulaang mga anak ng Diyos ay sa “silanganan,” sa “malayo”:

“Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa MALAYO, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.” (Isaias 43:5-6)

Ang pagmumulan ng hinuhulaan ni Propeta Isaias na “mga anak ng Diyos” ay sa “silanganan,” sa “malayo,” o sa Malayong Silangan. Ano ang lalong nagpapatunay na malayong Silangan nga ang pagmumulan ng hinuhulaan ni Propeta Isaias na “mga anak ng Diyos”? Sapagkat sa Tekstong Hebreo ng Isaias 43:5 ay “mizrach” ang ginamit na tinumbasan ng “east” sa mga Bibliang Ingles at “silanganan” sa mga Bibliang Tagalog:
    
°al-tîr¹° kî °itt®½¹-°¹nî mimmiz®r¹µ °¹»î° zar®±e½¹ ûmimma±¦r¹» °¦qabb®ƒek¹. (Transliteration of Isa. 43:5, Biblia Hebraica Stuttgartensia, 5th Revised Edition)

Ang salitang Hebreo na “mizrach” sa pagkakagamit dito ng Isias 43:5 ay nangangahulugang “Far East” o “Malayong Silangan.” Ukol dito ay ganito ang patotoo ng mga dalubhasang nagsiyasat ukol dito:

“The Hebrew term kedem properly means that which is before or in front of a person, and was applied to the east form the custom of turning in that direction when describing the points of the compass, before, behind, the right and the left representing respectively east, west, south and north. Job 23:8,9. The term as generally used refers to the lands lying immediately eastward of Palestine, viz., Arabia, Mesopotamia and Babylonia; on the other hand mizrach is used of the far east with a less definite signification. Isa 42:2,25; 43:5; 46:11.” (Smith's Bible Dictionary, PC Study Bible formatted electronic database Copyright © 2003, 2006 by Biblesoft, Inc.)

Ang salitang “qedem” (mas higit na appropriate na transliteration ang “qedem” kaysa “kedem”) ay salitang Hebreo na ginamit na katumbas ng “east” o “silangan.” Ang salitang “mizrach” naman ay ginamit na ang kahulugan ay “Far East” o “Malayong Silangan. Bagamat hindi lahat ng banggit na “mizrach” ay tumutukoy sa “Far East,” kundi may gamit din na “east” lang ang  kahulugan (ang salitang “mizrach shemesh” ang letra-por-letra na katumbas ng “sun rising” o “sikatan ng araw”), subalit tiniyak sa atin ng mga dalubhasa ukol sa wikang Hebreo na ang pagkakagamit ng “mizrach” sa Isaias 43:5 at maging sa Isa. 46:11 ay “Far East” o “Malayong Silangan.”

Ito ang dahilan kung bakit nang isalin ito ni Moffatt ay “Far east” o “Malayong Silangan” ang ginamit niya:

“From the far east I will bring your offspring; and from the far west I will gather you.” (Isaias 43:5 Moffatt)

Dahil sa hindi maikakaila ang katotohanang ito kaya ang mga Katoliko at Protestante na nagsalin ng “Magandang Balita Biblia” ay “dulong silangan” ang kanilang ginamit:

“Huwag kang matatakot, Ako'y kasama mo, Mula sa dulong silangan hanggang sa kanluran, Ay titipunin ko kayo At ibabalik sa dating tahanan.” (Isaias 43:5 MB)

Samakatuwid, tunay na ang dakong pagmumulan ng hinuhulaan na “mga anak ng Diyos” sa Isaias 43:5-6 ay magmumula sa Malayong Silangan.


Magmumula sa Panahong “Mga Wakas ng Lupa”

Hindi lamang ang dako kundi maging ang panahon ng paglitaw ng “mga anak ng Diyos” mula sa Malayong Silangan ay hinulaan din ng Biblia. Sa saling King James Version ay ganito naman ang mababasa:

“Fear not: for I am with thee: I will bring thy seed from the east, and gather thee from the west; I will say to the north, Give up; and to the south, Keep not back: bring my sons from far, and my daughters from the ends of the earth.” (Isaias 43:5-6 KJV)

Sa Bibliang Tagalog na tinatawag na “Dating Salin” ay “wakas ng lupa” lamang, samantalang sa King James Version ay “mga wakas ng lupa.” Ang higit na akmang salin ay “mga wakas ng lupa”:


 Ang panahong “mga wakas ng lupa” ay sa panahong malapit na ang wakas o ang katapusan ng sanlibutan (ang Araw ng Paghuhukom):

“At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?
“Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Mateo 24:3 at 33)

Pagka nakita na ang mga tanda (“pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito”) ay talastasing malapit na , nasa mga pintuan na (ang katapusan ng sanlibutan). Ang tinutukoy na mga tanda ay ang mga sumusunod:

“At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan.” (Mateo 24:6-8)

Ang mga binabanggit ng Panginoong Jesucristo na “mga tanda” na kapag nakita ay “nasa mga pinutan na” o ang panahon ay nasa “mga wakas ng lupa” na ay mga digmaan, kagutom, paglindol sa iba’t ibang dako, at kahirapan.

Alin ang digmaang tinutukoy na siyang unang tanda na nagbabadya na ang panahon ay nasa “mga wakas lupa” na o malapit na ang wakas? Ang sabi sa talata ay “mangakakarinig ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan.” Ang sinsampalatayanan ng Iglesia ni Cristo na katupran nito ay ang Unang Digmaang Pandaigdig na sumiklab noong Hulyo 27, 1914.

Bakit natin natiyak na ang tinutukoy dito ng hula ay ang Unang Digmaang Pandaigdig? Sapagkat ayon sa Biblia, “ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian.”

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ang digmaang sinundan ng isa pang Digmaang pandaigdig, ang Ikalawang Digmaang pandaigdig na sumiklab naman noong Setyembre 1, 1939. Pagkatapos ay sinundan ito ng kagutom, paglindol sa iba’t ibang dako at kahirapan.

Samakatuwid, noong sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 27, 1914, ang panahon ay nasa panahong “wakas ng lupa” na.


Ang Katuparan ng Hula

Ang Iglesia ni Cristo ay lumitaw sa Pilipinas na pintutunayan ng kasaysayan na nasa Malayong Silangan:

“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far East.” (Boak, Arthur E.R., Slosson, Preston and Anderson, Howard R. World History, New York: Houghton Mifflin Company, 1945, p. 445.)

Ang Iglesia ni Cristo ay opisyal na natatag noong mairehistro siya sa pamahalaan sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914 (Articles of Incorporation of the Iglesia ni Cristo), Nagsimula ang World War I (Unang Digmaang Pandaigdig) noon ding Hulyo 27, 1914:

“Monday, July 27…It was the day when the Austro-Hungarian Council Ministers in secret and voted to declare war on Serbia…The declaration of war was to be announced on Tuesday and required the approval of Franz Joseph…” (Mayer, G.J. A World Undone: A Story of the Great War 1914-1918, pp. 58-59)

Nagsimula ang paglusob (“invasion”) ng Serbia noong araw din ng Hulyo 27, 1914 na sinasabi ng kasaysayan na simula ng dakilang kampanya sa labanan sa timog-silangan ng “great War” (ang isa pang tawag sa World War I):

“The first great campaign on the southeastern battle grounds of the Great War began on July 27, 1914, when the Austrian troops undertook their first invasion of Serbia.” (Miller, Francis, Ed. The Story of the Great War, History of the European Warfrom Ofgicial Sources, Volume II, p. 923.)

Samakatuwid, tunay na angkatipara ng hinuhulaan sa Isaias 43:5-6 na “mga anak na ng Diyos” na magmumula sa dakong Malayong Silangan at sa panahing “mga wakas ng lupa” ay ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914.


Hindi sa Israel sa Laman natupad ang Isaias 43:5-6

Sinasabi ng mga tumututol na ang Iglesia ni Cristo na nagmula sa Pilipinas ang katuparan ng hinuhulaan sa Isaias 43:5-6 ay ito raw ay natupad sa Israel sa laman sapagkat ayon sa konteksto, ang tinutukoy daw sa Isaias 43:5-6 ay ang binabanggit sa isaias 43:1-3. Ganito ang sinasabi sa talata:

“Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita; tinawag kita sa  iyong pangalan, ikaw ay akin. Pagka ikaw ay dumaraan sa tubig, ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo. Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang Egipto, ang Etiopia at ang Seba.” (Isaias 43:1-3)

Hindi natin tinututulan ang nakasukat sa Isaias 43:1-3 at sa Israel sa laman ito natupad. Subalit hindi mapanghahawakan na sapagkat magkasunod ay iisa na ang tinutukoy. Pansinin natin ang hula rin ni Propeta Isaias patungkol kay Apostol Pablo:

“At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;) Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.” (Isaias 49:5-6)

Natitiyak natin na si Apostol Pablo ang katuparan ng hulang ito. Ito ang pinatutuyan sa Gawa 13:46-47:

“At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo.  Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” (Gawa 13:46-47)

Tiyak na si Apostol Pablo ang katuparan ng hinuhulaan sa Isaias 49:5-6, subalit pansinin ang sinundang talata:

“At sinabi niya sa akin, Ikaw ay aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati. Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.” (Isaias 49:3-4)

Kung susundan natin ang argumento ng mga tumututol na ang Iglesia ni Cristo ang katuparan ng hinuhulaan sa Isaias 43:5-6, na hindi ang Iglesia ni Cristo ang katuparan ng hinuhulaan sa npinag-uusapang talata (Isa. 43:5-6) sapagkat ang Israel sa laman daw ang tinutukoy sa sinundang talata (Isa. 43:1-3), ay lalabas na hindi si Apostol Pablo ang katuparan ng Isaias 49:5-6 sapagkat ang Israel sa laman ang tinutukoy sa sinundang talata (Isa. 49:3-4).

Samakatuwid, tunay na hindi mapanghahawakan na sapagkat ang Israel sa laman ang tinutukoy sa sinundang talata ay ang Israel na sa laman ang tinutukoy sa kasunod na talata. Bakit natin natitiyak na hindi ang Israel sa laman na tinutukoy sa Isaias 43:1-3 ang siya ring tinutukoy sa Isaias 43:5-6? Basahinnatin ang talatang 4:

“Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.” (Isaias 43:4)

Pansinin ang sinabi ng Diyos sa Israel sa talatang 1, “Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, sapagka't tinubos kita.” Ang naibigay na ng Diyos na pinakatubos sa Israel ay ang Egipto, Etiopia at Seba. Kaaya, ang binabanggit ng Diyos sa mga talatang 1-3 ay nagbigay na ang Diyos na pinakatubos sa Israel na ang naibigay na ay ang Ehipto, Ethiopia at Seba.

Pansinin naman ang sabi ng Diyos sa Israel sa talatang 4, “Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo.” Dito ang tinutukoy ay ang ibibigay pa lamang ng Diyos na pinakatubos sa Israel. Ganito ang sinsabi sa talatang ito sa saling King James Version:

“Since thou wast precious in my sight, thou hast been honourable, and I have loved thee: therefore will I give men for thee, and people for thy life.” (Isaias 43:4 KJV)

Ang sabi ng Diyos ay “I WILL give men for thee.” Ano ang ibig sabihin na ang binabanggit sa talatang 4 ay ibibigay na “PINAKATUBOS” sa Israel? Sa saling New World Translation ay ganito naman ang sinsabi:

“Owing to the fact that you have been precious  in my eyes, you have been considered honorable, and I myselfhave loved you. And I shall give them in place of you, and national groups in place of your soul.” (Isaias 43:4 NWT)

Ang katubas ng sinabi ng Diyos na “kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo” ay “I shall give them IN PLACE OF YOU.”

Samakatuwid, ang kausap na ng Diyos sa mga talatang 5-6 ay ang ibinigay Niyang pinakatubos o kapalit sa israel. Ito naman ang pangako ng Diyos sa Kaniyang “mga anak” mula sa Malayong Silangan, sa mga wakas ng lupa:

“Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay. Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.” (Isaias 43:4-6)

Samakatuwid, tunay na ang Isaias 43:5-6 ay natupad sa Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Malayong Silangan noong 1914, at hindi sa Israel sa laman.

4 comments:

  1. thanks Ka Ges, nasagot na po ang tanong ko sa article ninyong ito...
    More power po at nawa ay patuloy kayong pagpalain ng Ama upang marami pang maliwanagan tungkol sa INC..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat din ng marami. Sana'y lagi mong bisitahin ang blog na ito at patuloy ka pa sanang mag-post ng mga comments at mga tanong.

      Delete
  2. Salamat po sa pag-tugon ka Ges,, God bless po..

    ReplyDelete
  3. hindi pa po ako INC. kahangahanga ang paliwanag dito, napilitan po akong batakin ang aking pag iisip,dahil medyo nagulat ako at di ko akalain na may mas maganda pang paliwanag at mas nag uugnay sa lahat ng bersikulo ng bibliya mula sa unang pagbuklat hanggang huling tiklop, pero tunay nga, ang katutuhanan sa kung alin ang tamang turo ni Kristo at kung sino ang nagsasabuhay nito, ang siyang hamon sa sangkatauhan. mas malaking hamon higit sa anu pa man.

    ReplyDelete

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.