Ang Iglesia ni Cristo ang Katuparan ng
Hula sa Isaias 43:5-6 at Hindi ang Israel sa Laman
Ang isa mga hula ng Banal na
Kasulatan o ng Biblia na sinasampalatayanan ng Iglesia ni Cristo na
nagpapatunay sa kaniyang kahalalan ay ang nakasulat sa Isaias 43:5-6. Ganito
ang nilalaman ng talata:
“Huwag kang
matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa
silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; Aking sasabihin sa hilagaan,
Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak
na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng
lupa.” (Isaias 43:5-6)
Ang hulang ito ni Propeta Isaias
ay tumutukoy sa mga “anak na lalake at mga anak na babae” ng ating Panginoong
Diyos. Siya mismo ang kumikilala sa kanila bilang Kaniyang mga anak, ang sabi
ng Diyos, “dalhin mo rito ang AKING mga
anak na lalake na mula sa malayo, at ang AKING mga anak na babae mula sa wakas
ng lupa.”
Bakit natin natitiyak na ang
Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ang katuparan ng
hinuhulaan ni Propeta Isaias na “mga anak ng Diyos” sa Isaias 43:5-6?