Showing posts with label PAYONG KAPATID. Show all posts
Showing posts with label PAYONG KAPATID. Show all posts

Thursday, February 14, 2013

Payong Kapatid: Makiisa at Pasakop sa Pamamahala ng Iglesia



Dapat tayong lubos na makiisa sa pamamahala ng iglesia


Kapatid na Eduardo V. Manalo

Nagpupuri tayo sa Diyos sa pagkakaloob Niya ng sunod-sunod na pagtatagumpay sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia. Damang-dama natin ang lubos na pagmamalasakit at pag-ibig na iniuukol ng Pamamahala para sa lahat ng mga kapatid. Sinisinop niya ang lahat ng mga hinirang na inilagay ng Diyos sa kaniyang pangangalaga. Araw at gabi ay gumagawa at nagpapagal ang Pamamahala para sa kapakanan ng Iglesia. Ang pagtatalaga ng Pamamahala sa taong 2013 bilang “Taon ng Puspusang Pagpapatibay sa Iglesia”  ay lalong naghahayag ng malinis at marubdob na layunin ng Pamamahala na madala ang bayan ng Diyos sa kaligtasan.

Ano naman ang pananagutan nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo patungkol sa Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia ayon sa pagtuturo ng Banal na Kasulatan?

Friday, February 8, 2013

PAYONG KAPATID: Ang Dapat Lalong Pag-ukulan ng Panahon



Kung pinag-uukulan natin ng panahon ang para sa buhay na ito, lalong dapat nating pag-ukulan ng panahon ang para sa ikapagtatamo natin ng kaligtasan


Mayroong ang pinagbubuhusan lamang ng pansin ang pag-aaral sapagkat naniniwala siyang ito ang ikatutupad ng kaniyang mga pangarap. Mayroon naman na ang pinagtutuunan ng pansin ay ang paghahanapbuhay sapagkat naniniwala siyang dito nakasalalay ang kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya. Hindi masama na pagtuunan ng pansin ang pag-aaral at ang paghahanapbuhay. Ang masama ay kung puro lamang sa buhay na ito ang bibigyang-pansin.

Ano angkasamaan kapag puro lamang sa buhay na ito ang binibigyang-pansin?

Tuesday, January 15, 2013

PAYONG KAPATID: Kung Paano Dapat Harapin ang mga Pagsubok



HINDI NATIN DAPAT IPAGTAKA ANG MABIBIGAT NA PAGSUBOK SUBALIT ANG DAPAT NATING MALAMAN AY KUNG PAANO NATIN ITO MAIPAGTATAGUMPAY
 

Bago natin kamtan ang ipinangako ng Diyos na buhay na walang hanggan at pananahanan sa Bayang Banal, kailangang mapatunayan muna natin na tunay at tapat ang ating pananampalataya. Kaya, tayong mga hinirang Niya ay mayroong hindi maiiwasang maranasan o masagupa sa buhay na ito na kailangang mapagtagumpayan natin. Ipinagpauna ito sa atin para hindi nating ipagtaka o ituring na hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa atin kapag dumating ito sa ating buhay. 

Alin ang dapat nating asahan na ating masasagupa o kilalaning hindi maiiwasang maranasan sa buhay na ito kaya hindi natin ipinagtataka o itinuturing na hindi pangkaraniwan?

Friday, January 11, 2013

PAYONG KAPATID: Ukol sa Ikatatag ng Pagsasama ng Mag-asawa


dapat pahalagahan at igalang ang institusyon ng kasal o pag-aasawa

Marami tayong nakikita ngayon sa sanlibutan na nag-aasawa sa isang mamayan ng bansang nais niyang puntahan at kung naroon na ay nakikipaghiwamay na (kung tawagin ay marriage of convenience). Ang iba ay nagsassama ng  hindi kasal kahit walang hadlang sa batas na makasal (kung tawaging ay pakikipag-live-in). Ang iba ay may asawa o kasal nga subalit hindi nagsasama (hiwalay o diborsiyo). Ang iba naman ay kasal sa iba ngunit may kinakasamang iba. Ang iba ay hiwalay subalit iba ang kinakasama.

Ang mga ito ay hindi dapat masumupungan sa kaninumang lingkod ng Diyos sapagkat ang mga gawang ito at anumang kauri nito ay lumalapastangan, hindi gumagalang, humahamak, at hindi nagpapahalaga sa kasal at sa pag-aasawa.

Bakit dapat lamang na igalang at pahalagahan ang pag-aasawa o kasal?

Wednesday, December 26, 2012

PAYONG KAPATID


Kung Paano Natin Dapat Harapin ang Panibagong Taong Darating

Sa taong ito na lilipas ay tunay na dumaan ang ating bansa sa maraming pagsubok: dumaan ang malalakas na bagyo, ang malalakas na pag-ulan (ang “Habagat”), ang mga pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pa. Ang mga malalagim na mga pangyayaring ito ay hindi lamang sumira ng maraming ari-arian kundi kumitil din ng maraming buhay. Hindi lamang ang mga nasalanta ng mga kalamidad ang nakaranas ng mga matitinding pagsubok sa buhay. Mayroong mga dinatnan ng matinding kapighatian, kabagabagan, karamdaman, kahirapan, kaguluhan at matitinding suliranin sa sambahayan. Sa panig ng mga hinirang ng Diyos, nababatid natin na hindi maiiiwasan ang pagdaranas ng mga matitinding pagsubok sa buhay. Batid din ng mga hinirang ng Diyos na patuloy na magaganap ang mga kalamidad, kahirapan at kaguluhan sapagkat ang mga ito ay palandaan na nagbabadya ng nalalapit na ikalawang pagparito ng ating Panginoong Jesuscristo. Subalit, sa kabila ng ating naranasan, nararansan at mararansan pa ay may paninindigan na hinahanap ang Diyos sa atin. Ito ang nakasulat sa Awit 34:1-4:

“Pupurihin ko ang Panginoon anuman ang mangyari. Lagi kong sasalitain ang kaniyang mga kaluwalhatian at biyaya. Ipagmamapuri ko ang lahat ng kaniyang kabutihan sa akin. Hayaang magpakatatag ang mga nawawalan ng pag-asa . Sama-sama nating purihin ang Panginoon, at dakilain ang kaniyang pangalan. Sapagkat humibik ako sa kaniya at sinagot niya ako! Pinalaya niya ako sa lahat kong katakutan.” (Awit 34:1-4 TLB, salin sa Pilipino)

Anuman ang mangyari sa ating paligid at sa ating buhay ay patuloy nating pupurihin ang ating Panginoong Diyos. Hindi natin iiwan ang ating pagsamba at paglilingkod sa Kaniya. Nababatid natin na ang Panginoong Diyos ang tanging makatutulong at makasasaklolo sa atin kaya sa Kaniya natin inilagak ang ating pag-asa, ang ating buhay, at ang ating pamumuhay:

“Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, At ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Ang iyong sarili'y sa Diyos mo ilagak, Pag nagtiwala ka'y tutulungang ganap; Ang kabutihan mo ay magliliwanag, Katulad ng araw kung tanghaling tapat. Sa harap ng Diyos ay pumanatag ka, Maging matiyagang maghintay sa kanya; H'wag mong kainggitan ang gumiginhawa Sa likong paraan, umunlad man sila.” (Awit 37:4-7 MB)

Hindi natin kaiinggitan ang mga gumagawa ng likong paraan, umunlad man sila. Matiyaga nating hihintayon ang Kaniyang pagsaklolo at pagtulong sa atin.

Kaya, sa panibagong taong darating ay haharap tayo na may pag-asa sapagkat nagtitiwala tayong ganap sa ating Diyos na anuman ang mangyari ay hindi Niya tayo pababayaan, kaya anuman ang mangyari ay pupurihin natin Siya. Hindi tayo titigil sa pagsamba, pananalangin at paglilingkod sa Kaniya, bagkus ay lalo tayong magpapakasigla.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.