PINATUTUNAYAN
NGA BA SA KAWIKAAN 30:4 NA SI CRISTO AY EXISTIDO NA SA PASIMULA PA?
Kailangang patunayan ng mga nagtuturong si Cristo
ay Diyos na ang Panginoong Jesus ay may pre-existencia o existido na (may
kalagayan na) bago pa ipanganak ni Maria, bago pa nilalalang ang sanlibutan,
sapagkat paano nga naman magiging tunay na Diyos ang Panginoong Jesucristo kung
ang Kaniyang existencia ay nagsimula lamang ng ipanganak ni Maria. Ang isa sa
mga talata na ginagamit ng mga nagtuturong si Cristo ay Diyos upang ipakitang
si Cristo ay may pre-existencia ay ang Kawikaan 30:4. Ganito ang nilalaman ng
talata:
“Sino ang
sumumpa sa langit, at bumaba? Sino ang
pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang
kasuutan? Sinong nagtatag ng lahat ng mga wakas ng lupa? Ano ang kaniyang
pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak kung iyong nalalaman?”
Sa
talatang ito ay may binabanggit daw na “anak” na bago pa pinasimulan ang
paglalang ay sumampa sa langit at bumaba. Ayon sa mga naniniwalang si Cristo ay
Diyos, ang tinutukoy daw dito na “Anak” ay si Cristo. Samakatiwid, kasama na
raw si Cristo ng Ama bago pa pasimulan ang paglalang.
Si
Cristo nga ba ang tinutukoy na “anak” sa Kawikaan 30:4 at nagpapatunay nga ba
ito na si Cristo ay existido na noon pang una?
Iglesia
ni Cristo Answers:
(1) Walang sinasabi sa talata na si Cristo
ay Diyos o Siya ay existido na noon pang una. Walang binabanggit sa talata na
si Cristo ang tinutukoy kundi ito’y haka-haka lamang nila.
(2) Hindi dahil may banggit sa talata na
“Anak” ay kay Cristo na tumutkoy. Hindi si Cristo ang tinutukoy na “Anak” sa
talata kundi ang bayang Israel.
(3) Ang banggit naman sa talata na “sasampa
sa langit at bababa” ay hindi tumutukoy sa tinawag na “Anak” sa talata, kundi
ang Diyos o ang Ama. Walang mababasa sa talata na ang “Anak” na binabanggit ay
kasama o katulong sa paglalang o may existencia na sa pasimula pa lamang. Ito’y
opinyon o haka-haka lamang nila.
Marahil
ay itatanong nila na kung ang Israel
ang tinutukoy dito sa Kawikaan 30:4, bakit ang banggit ay “anak” (singular) at
hindi “mga anak”? Kung ang banggit daw ay “anak” at hindi “mga anak” kaya tiyak
daw na hindi Israel
ang tinutukoy sa talata.
Sa
Sepruaginta (ang saling Griego ng Matandang Tipan) ang terminong Griego na
ginamit na tumutukoy sa banggit na “Anak” o “son” ay “teknois.” Kaya nang isalin
ito sa Sir Lancelot Charles Lee Brenton
(1807) English Translation of the Septuagint Bible ay “children ang
ginamit. Subalit, kahit igiit pa na ang wastong salin sa Ingles ay “son” o
“anak,” hindi pa rin mapasisinungalingan na ito ay tumutukoy sa Israel sapagkat ang Israel ay tinawag na “AnaK ng
Diyos” sa Exodo 4:22-23:
“At iyong
sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking
anak, aking panganay: At aking sinabi sa iyo, Pahintulutan mong ang aking anak
ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa akin; at ayaw mo siyang payaunin,
narito, aking papatayin ang iyong anak, ang iyong panganay.” (Exodo 4:22-23)
Sa
salin namang King James Version ay “son of God” ang mababasa:
“And thou
shalt say unto Pharaoh, Thus saith the LORD, Israel is my son, even my
firstborn: And I say unto thee, Let my son go, that he may serve me: and if
thou refuse to let him go, behold, I will slay thy son, even thy firstborn.” (Exodo
4:22-23 KJV)
Maliwanag
kung gayon na hindi ang Panginoong Jesucristo ang tinutukoy na “anak” sa
Kawikaan 30:4.
maraming salamat po sa Pagtugon kapatid .. sana paki linaw naman po yung sinabi na Sumampa ang Dios at bumaba salamat po..
ReplyDelete(3) Ang banggit naman sa talata na “sasampa sa langit at bababa” ay hindi tumutukoy sa tinawag na “Anak” sa talata, kundi ang Diyos o ang Ama. "
Ang banggit na "Sino ang sumumpa sa langit, at bumaba?" ay hindi maaaring ipakhulugan na ang Diyos ay nagkatawang tao sapagkat baligtad ito sa sinasabi ng Biblia na "Sino ang sumumpa sa langit, at bumaba." Sa diumano'y pagkakatawang-tao ay "bumaba at umakyat muli."
ReplyDeleteAng banggit na ang Diyos ay "sasampa sa langit at bababa" ay isang "figure of speech." Kung uunawain ito ng literal ay mangangahuugang ang Diyos ay wala sa langit kaya sasampa at wala sa lupa kaya bababa. Sasalungat ito sa turo ng Biblia na:
Jeremias 23:23-24 MB
"Ako ay Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi sa iisang lugar nananatili. Walang makapagtatago sa akin; nakikita ko siya saanman siya pumunta. Sapagkat ako'y nasa langit, nasa lupa, at nasa lahat ng lugar."
Pansinin na ang talata ay pagkukumpara sa tao at sa Diyos, na ipinakikita lamang ang kawalang kakayahan ng tao, kaya ang sabi ay "Sino ang sumumpa sa langit, at bumaba?" Ipinakikita lamang na kung may imposible sa tao (ang sumampa sa langit at bumaba), sa Diyos ay walang imposible. isang paglalarawan na nagtuturo na sa Diyos ay walang imposible.
Pansinin pa na ang mga sumunod na sinasabi sa talata ay pwang figure of speech din: "Sino ang sumumpa sa langit, at bumaba? Sino ang pumisan ng hangin sa kaniyang mga dakot? Sinong nagtali ng tubig sa kaniyang kasuutan?..." Mga paglalarawan na nagpapakitang walang imposible sa Diyos, na ang imposible ay kaya Niyang gawin.
DeleteMaraming salamat po Kapatid..
ReplyDelete