Sunday, February 17, 2013

KAWIKAAN 8:22-30



Ang Panginoong Jesucristo ba ang tinutukoy sa Kawikaan 8:22-30?


UPANG patunayan na diumano’y itinuturo ng Biblia na si Cristo ay existido na noon pang una, bago pa nilalang ang sanlibutan, lahat ng sa tingin nila ay maaari nilang gamiting talata ay ginagamit nila upang gamiting katunayan nito bagamat wala naman doon sinasabi na si Cristo ay Diyos o si Cristo ang tinutukoy doon. Sa pamamagitan lang ng kanilang pagkaunawa o interpretasyon ay doon ay sa gayon lang nila napalalabas na si Cristo ang tinutukoy sa talatang iyon. Subalit, sa maraming pagkakataon ay napapahiya sila sa pagsasabing si Cristo raw ang tinutukoy sa mga talatang kanilang ginagamit. Ang isang halimbawa nito ay ang Kawikaan 8:22-30. Ganito ang sinasabi sa talata:

“Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya.” (Kawikaan 8:22-30)

Ipinakahulugan ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos na ang Panginoong Jesus daw ang tinutukoy dito sa talatang sinipi. Siya daw ang tinutukoy na “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa.”

Si Cristo ba ang tinutukoy dito sa Kawikaan 8:22-30?



IGLESIA NI CRISTO ANSWERS:

Ang sinasabi nilang si Cristo ang tinutukoy dito ay batay lamang sa kanilang sariling pang-unawa, subalit maliwanag naman na walang binabanggit sa talata na si Cristo ang tinutukoy, ni hindi nga binanggit ang pangalang “Cristo.”

Nagkonklusyon agad ang mga naniniwalang si Cristo ay Diyos na si Cristo ang tinutukoy sa talata na hindi man lamang siniyasat na mabuti ang talata. Bakit natin natin natitiyak na hindi si Cristo ang tinutukoy sa talata? Sa Kawikaan 8:12-22 ay ganito ang sinasabi:

“Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita. Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, At ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim. Payo ay akin at magaling na kaalaman: Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan, Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo. Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa. Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako. Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin; Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran. Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na ginto; At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak. Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran, Sa gitna ng mga landas ng kahatulan: Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin, At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman. Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.” (Kawikaan 8:12-22)

Ang tinutukoy sa Kawikaan 8:22-30 ay ang “karunungan.” Hindi kaya si Cristo ang tinutukoy nga rito na karunungan? Tiyak nating hindi, kung bakit ay tunghuyan ang sumusunod na talata:

“I wisdom dwell with prudence, and find out knowledge of witty inventions. The fear of the LORD is to hate evil: pride, and arrogancy, and the evil way, and the froward mouth, do I hate. Counsel is mine, and sound wisdom: I am understanding; I have strength. By me kings reign, and princes decree justice. By me princes rule, and nobles, even all the judges of the earth. I love them that love me; and those that seek me early shall find me. Riches and honour are with me; yea, durable riches and righteousness. My fruit is better than gold, yea, than fine gold; and my revenue than choice silver. I lead in the way of righteousness, in the midst of the paths of judgment: That I may cause those that love me to inherit substance; and I will fill their treasures. The LORD possessed me in the beginning of his way, before his works of old.
“Doth not wisdom cry? and understanding put forth her voice? She standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths.” (Kawikaan 8:12-22, 1-2 KJV)

Kung si Cristo ang tinutukoy na “karunungan sa Kawikaan 8:22-30 ay lalabas na BABAE ang Panginoong Jesus. Napansin ba ninyo ang sinasabi sa mga talatang 1-2: “Doth not wisdom cry? and understanding put forth HER voice? SHE standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths.”

Samakatuwid, tunay na nagkakamali ang mga nagtuturong si Cristo ay Diyo sa pagsasabing si Cristo ang tinutukoy sa talata.

No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.