JUAN 5:23
Si Cristo Ba Ay Diyos Sapagkat Siya’y
Sinasamba?
Mael Loves Jesus
Asked:
“Isang malaking katanungan lamang
kapatid, kung si cristo ay hindi Dyos gaya
ng inyong sinasabi, Bakit nasusulat sa John 5:23 "That all men should
honour the Son, even as they honour the Father. He that honoureth not the Son
honoureth not the Father which hath sent him." Hindi ba't ang sinabi ng
Dyos ay "you must worship NO OTHER GOD FOR THERE IS NO OTHER GOD THAN
ME"
Iglesia Ni
Cristo Answers:
Ang Panginoong Jesucristo ay
sinasamba ng mga tunay na Cristiano hindi sapagkat Siya’y Diyos, kundi ito ay
bilang pagsunod sa utos ng Panginoong Diyos.
Ukol sa Juan
5:23
Walang binabanggit sa Juan 5:23
na si Cristo ay Diyos. Ito ay konklusyon, opinyon, pagkaunawa lamang ng mga
naniniwalang si Cristo ay Diyos sa talata ng Biblia. Ganito ang isinasaad ng
talata:
“That all men should honour the Son, even as they honour the
Father. He that honoureth not the Son honoureth not the Father which hath sent
him.” (Juan 5:23 KJV)
Sa saling Pilipino ay wala ring
sinasabi na si Cristo ay Diyos:
“Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpupuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi
nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.” (Juan 5:23)
Ang totoo, kung susuriing mabuti
ang talata ay ipinakikita sa Juan 5:23 na iba si Cristo sa Diyos. Ang sabi ng
talata, “He that honoureth not the Son honoureth the Father which hath sent
him” (”Ang hindi nagpapaptri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na KANIYAY
NAGSUGO”). Iba ang Anak na isinugo sa Ama na nagsugo. Sino ang Ama na nagsugo
sa Anak? Ganito angpahayag ng Panginoong Jesucristo (ng Anak) sa Juan 17:3 at
1:
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila
na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si
Jesucristo.
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala
ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras;
luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak.” (Juan
17:3,1)
Ang Ama na nagsugo kay Cristo
(ang Anak) ay ang iisang Diyos na tunay. Sino naman ang Anak na isinugo ng Ama?
Ang Sugo ng iisang Diyos na tunay. Kung tatanggapin natin na si Cristo ay
Diyos, lalabas na dalawa ang Diyos, sapagkat iba ang Diyos na nagsugo (ang Ama)
kay Cristo (ang Anak) na isinugo. Hindi ba’t iisa lamang ang tunay na, ang Ama
ng ating Panginoong Jesucristo?
Ano pa ang agpapakilala ng Biblia
patungkol kay Xristo? Ganito naman ang sinasabi sa I Timoteo 2:5 patungkol sa
Anak na isinugo ng Ama:
“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios
at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.” (I Timoteo 2:5)
Ang Anak na si Cristo Jesus ay
ang “taong” tagapamagitan sa iisang Diyos at sa mga tao. Kaya, maling
i-konklusyon na sapagkat sinabi ng Biblia na “Upang papurihan ng lahat ang Anak, na gaya rin ng kanilang pagpupuri sa Ama. Ang hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi
nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo” ay Diyos na si Cristo, sapagkat
ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay at ang Anak na si Cristo Jesus ay ang
isinugo ng Ama.
Ang Tunay na
Pagsamba sa Diyos
Upang lalong maunawaan ng lahat
ang katotohanan at huwag mahulog sa maling pananampalataya, dapat munang
maunawaan ang tunay na pagsamba sa Diyos na itinuturo ng Biblia. Paano ang
tunay na pagsamba sa Diyos? Ganito ang pagtuturo ng Panginoong Jesucristo sa
Juan 4:23-24:
“Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin
ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't
hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay
Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa
espiritu at sa katotohanan.” (Juan 4:23-24)
Hinahanap ng Diyos ang mga tunay
na mananamba, ang mga sumasamba sa Diyos sa “espiritu at katotohanan.” Sapagkat
ang tunay na Diyos ay espiritu, ang sabi ng Panginoong Jesucristo, ang tunay na
Diyos ay dapat sambahin sa “espiritu at katotohanan.” Paano ang pagsamba sa
Diyos sa espiritu at katotohanan? Hayaan nating ang Panginoong Jesucristo rin
ang magpaliwanag:
“Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit
ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa
ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.” (Mateo
6:9-10)
Paano ang pagsamba sa Diyos sa
espiritu? Sambahin ang Kaniyang pangalan. Paano ang pagsamba sa Diyos sa
katotohanan? Sundin ang Kaniyang kalooban o kautusan. Kung sinasabi man ng
isang tao na sinasamba niya ang Diyos ngunit gindi naman sinusunod ang kalooban
o kautusan ng Diyos ay wala ring kabuluhan ang kanilang pagsamba sa Kaniya:
“Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na
nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.” (Mateo 15:9)
Samakatuwid, ang tunay na pagsamba
sa Diyos ay ang pagsunod sa Kaniyang mga utos o kalooban.
KUNG BAKIT SINASAMBA SI
CRISTO
KUNG HINDI SIYA DIYOS
Hindi tayo tutol na ang Diyos
lamang ang dapat sambahin, sibalit maliwanag din na itinuturo ng Biblia na ang
ang tunay na pagsamba sa Diyos ay ang pagsunod sa Kaniyang mga utos. Kung sinasamba
nga Siya ngunit hindi naman sinusunod ang Kaniyang mga utos ay wala ring
kabuluhan ang gayung pagsamba. Isa pang dapat na matandaan ay kung asusunod ang utos o kalooban ng Diyos ay ang Siya
rin ang napapapurihan at naluluwalhati.
Bakit natin sinasamba si Criosto
gayung hindi naman Siya Diyos? Sapagkat ito’y bilang pagsunod sa utos o
kalooban ng Diyos:
“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan
ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod
ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng
nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo
ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” (Filipos 2:9-11)
Sa saling Biblia ng Sambayanang
Pilipino ay ganito ang sinasabi:
“Dahil dito itinampok siya ng Diyos at binigyan ng Pangalang
mataas pa sa alinmang pangalan upang paluhod na sumamba ang lahat sa Pangalan
ni Jesus sa kalangitan, sa lupa at sa kailaliman at ipahayag ng tanang dila na
Panginoon si Kristo Jesus para sa kaluwalhatian ng Diyos Ama.” (Filipos 2:9-11
BSP)
Ang Panginoong Jesucristo ay
pinakadakila ng Diyos at binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan UPANG pluhod
ang lahat ng tuhod o sambahin ang pangalan ng Panginoong Jesus PARA SA
KALUWALHATIAN NG DIYOS AMA. Ito ang dahilan sinabi ng Panginoong Jesus sa Juan
5:23 na ang “Upang papurihan ng lahat ang
Anak, na gaya
rin ng kanilang pagpupuri sa Ama. Ang
hindi nagpapapuri sa Anak ay hindi nagpapapuri sa Ama na sa kaniya'y nagsugo.”
Kalooban o utos ng Diyos na sambahin ang pangalan ng Panginoong Jesus (ang
tunay na pagsamba sa Diyos ay sambahin Siya sa katotohanan o sundin ang
Kaniyang utos o kalooban), at sa pagsunod sa utos na ito ng Diyos ay ang Diyos
ang nabibigyang kaluwalhatian.
Konklusyon
Samakatuwid, tunay na ang Diyos
lang ang dapat sambahin, subalit ang tunay na pagsamba sa Diyos at ang sanvahin
Siya sa “espiritu at katotohanan” o ang sambahin ang Kaniyang pangalan at
sundin ang Kaniyang utos o kalooban, Si Cristo ay sinasamba hindi sapagkat Siya’y
Diyos, kundi ito’y utos ng Diyos at sa pagsunod sa utos na ito’y ang Diyos din
ang napapapurihan o nabibigyan ng kaluwalhatian.
No comments:
Post a Comment
Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.