Thursday, March 28, 2013

Is the INC Arbitrary In Their Explanation Of Biblical Prophecies?

Tanungan:
Arbitrary Ba Ang Iglesia Ni Cristo Sa Pagpapaliwanag Sa Hula Ng Biblia?
Ojradn Asked:

"bakit kaung mga INC ay namimili kung alin ang simbolik at literal kpag hula ang pinaguusapan? 

 
Iglesia Ni Cristo Answers:

Hindi po kailanman ginawa ng Iglesia ni Cristo na siyang “mamili” kung alin ang “simbolik” (o "simbolikal”) at kung alin ang literal. 


Hindi po kailanman nagbibigay ng pansariling paliwanag, opinyon o haka-haka ang Iglesia ni Cristo ukol sa sinasabi ng Biblia, lalo na ang mga hula ng Biblia. Ganito po ang pagtuturo sa amin ni kapatid na Felix Y. Manalo sa kaniyang sermon na pinamagatang “Kung Nasaan ang mga Patay”:

“Kaya’t hindi ipinahihintulot sa Iglesia ni Cristo sa pagsasalita ay magsalita ng bawat kaniyang maibigan. Ang kailangan sa pagsasalita ay basahin ang aral ng Diyos. Iyon (ang Biblia) ang tignan. Kung ano ang sinasabi roon (sa Biblia) iyon ang dapat sundin. Hindi mabuti na ang tao ang nag-iisplika, nagpapaliwanag, Hindi ganiyan.”

Ang Iglesia ni Cristo ay hindi kailanman nagbibigay ng sariling paliwanag (opinyon o haka-haka) lalo na sa mga hula ng Biblia sapagkat mahigpit itong ipinagbabawal ng Diyos:
“Na maalaman muna ito, na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.” (II Pedro 1:20)

Samakatuwid, kung mayroon mang binabanggit sa hula ng Biblia na “simbolikal” at “literal,” hindi po namin ito paliwang o pakahulugan kundi ito po ang itinakda ng Diyos. Talagang sa hula ng Biblia ay may banggit na “simbolikal” at “literal” gaya po ng binabanggit sa Isaias 40:3:
“Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.” (Isaias 40:3)

Ang katuparan po ng hinuhulaan ng Biblia na “tinig” na sumisigaw sa “ilang” ay si Juan bautista:
“At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. 22Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.” (juan 1:19-22)

Si Juan Bautista ay nangaral sa “Ilang ng Judea” (Mateo 3:1). Nang siya’y tanungin kung “sino siya,” ang patotoong ibinigay niya ay siya ang katuparanng hinuhulaan ni Propeta isaias na “tinig na sumusigaw sa ilang.” Pansinin na ang binanggit sa hula ni Propeta Isaias na “tinig” ay si Juan Bautista ang katuparan (“simbolikal”), at ang katuparan ng “ilang” ay ang “Ilang ng Judea” (“literal”). Si Juan Bautista mismo ang nagsabing siya ang katuparan nito. Ibig bang sabihin ay siya ang namili kung alin ang simbolikal at alin ang literal? Alam nating hindi.

Samakatuwid, talagang sa mga hula ng Biblia ay mayroong binabanggit na “simbolikal” at mayroong binabanggit na “literal.” Sa mga hula ng Biblia na nagpapatotoo sa pagka-sugo ng Diyos ni kapatid na Felix Y. Manalo at sa kahalalan ng Iglesia ni Cristo, kung mayroong banggit na “simbolikal” at “literal” ay hindi kami ang “pumili” o nagpaliwanag lamang nito. Ang mga “hulang” ito ay galing sa Diyos, kaya gayun ito itinakda ng Diyos, at ang katuparan ay si kapatid na Felix Y. manalo at ang Iglesia ni Cristo sa mga Huling Araw.

2 comments:

  1. Bakit po hindi mai-send ant tanong ko about Hebrews 10:5 at 1Cor 10:4?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tanong po ninyo ay nai-send ninyo. Pansinin ninyo na pagkataposninyong i-click ang "i-publish" ay may lumilitaw sa taas na "ipapablish pagkatapos na maprubahan ng admin."

      Hindi namin sinagot agad ang tanong ninyo sapagkat sa ngayon po ay nag-iingat kami dahil sa nakaraan ay may mga "kadudaduda" kung kapatid talaga na nagtatanong na pagkatapos na sagutin ang kanilang tanong ay makikita po namin sa ibang website na naka-post ang mismong aming inilathala dito without any documentation o credit na lumalabas na inaangkin nila ang mga nasabing "artikulo." Kaya namin sinabing kaduda-duda kung talagang kmga kapatid sila sapagkat ang tunay na kapatid ay hindi ito gagawin na yuyurakan at hindi pangungundanganan ang karapatan ng kanilang kakaptid sapagkat malinaw ang doktrina sa atin ukol sa pag-iibigang magkakapatid na saklaw nito ang igalang ang karapatan ng kakapatid sa Iglesia. Sana'y lubos ninyo kaming maunawaan.

      Salamat po.

      Delete

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.