Sunday, March 3, 2013

Pagbubunyag sa Iglesia Katolika: Panimula



Ang Dahilan Kung Bakit Dapat Nating Suriin ang Iglesia Katolika at ang Ibang Relihiyon





ANG ginagawa ng Iglesia Ni Cristo na pagsisiyasat sa mga aral ng Iglesia Katolika ay minamasama ng iba. Bakit daw kailangan pa nating siyasatin ang Iglesia Katolika at maging ang ibang relihin, hindi raw ba marapat na ang pagbuhusan na lamang namin ng panahon ay ang ipangaral kung ano ang sinasampalatayanan natin. Para sa iba ang ginagawa ng Iglesia Ni Cristo na pagsisiyasat sa mga aral ng Iglesia Katolika at sa ibang relihiyon ay isang paninira, pagtuligsa at pambabatikos lamang. Tinatawag pa nilang “anti-Catholic” ang mga nagsasagawa ng pagsisiyasat sa mga aral ng Iglesia Katolika.

Para po sa kabatiran ng lahat, PAGSISIYASAT ang ginagawa ng Iglesia Ni Cristo at hindi paninira, panunuligsa at pambabatikos lamang kapag tinatalakay ang mga aral na sinasampalatayan ng Iglesia Katolika at ng ibang relihiyon. Hindi rin “anti-Catholic” ang Iglesia Ni Cristo dahil lamang sa sinisiyasat ang mga aral ng Iglesia Katolika. Ang katotohanan ay malinis at banal ang layunin ng Iglesia Ni cristo sa pagsisiyat sa mga aral ng Iglesia Katolika atng ibang relihiyon.

Ano ang tunay na dahilan ng pagsisiyasat ng Iglesia Ni Cristo sa mga aral ng Iglesia Katolika at ng ibang relihiyon?



Ayon na rin Sa Paanyaya mismo
Ng Mga Awtoridad Katoliko

Hindi layunin ng Iglesia Ni Cristo ang manira sapagkat alam nating ang paninira ay hindi mabuting gawain. Ang pagsisiyasat o pagsusuri ng Iglesia Ni Cristo ay bilang pagbibigay na rin sa kahilingan ng mga paring Katoliko mismo:

“Why investigate The Catholic Religion?
“There is no subject which is more worthy of investigation than the Catholic religion. It has exercise a profound and enduring influemce upon the thought and the life of humanity. Indeed, no person can aspire to be truly educated, who remains ignorant of the one institution in the world today which traces its origin directly back to Jesus Christ.” (O’brien, Rev. John A. Ph.D. LL.D.The Faith of Millions: The Credentials of the Catholic Church. Nihil Obstat: Rev. Edwrad A. Miller, Censor Librorum. Imprimatur: John Francis Noll, D.D. Archbishop. Bishop of Wayne. Huntington, Indiana: Our Sunday Visitor, 1938, p. 9.)

Salin sa Pilipino:

“Bakit dapat siyasatin ang Relihiyong Katoliko?
“Walang paksang higit na karapat-dapat na siyasatin kundi ang relihiyong Katoliko. Nakapagsagawa siya ng isang matindi at namamalaging impluwensiya sa isipan at buhay ng sangkatauhan. Sa katotohanan, walang taong makapaghahangad na maging tunay na nakapag-aral, na mamamalaging walang alam sa isang institusyon sa mundo ngayon na ang pinagmulan ay matutunton nang tuwiran kay Jesucristo.”

Ang mga awtoridad Katoliko na rin mismo ang nag-iimbita na siyasatin ang Iglesia Katolika. Kaya, ang ginagawang pagsisiyasat ng Iglesia Ni Cristo na pagsisiyasat sa Iglesia Katolika ay pagtugon na rin sa paanyaya ng mga paring Katoliko mismo.

Sila ang nag-imbita na siyasatin sila, at nang tugunin ang kanilang paanyaya na siyasatin sila ay sasabihin nilang sinisiraan, binabatikos at tinutuligsa sila ng nagsisiyasat sa kanila.


Ayon na rin Sa iniuutos sa mga Cristiano

Higit sa pagtugon sa paanyaya ng mga awtoridad Katoliko, ginagawa natin ang pagsusuri sa Iglesia Katolika at maging sa ibang relihiyon sapagkat ito ay utos sa mga Cristiano na nakasulat sa Biblia o sa Banal na Kasulatan:

“Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.” (I Juan 4:1)

Sa salin ng The Living Bible sa talatang ito ay ganito ang sinasabi:

“Dearly loved friends, don't always believe everything you hear just because someone says it is a message from God: test it first to see if it really is. For there are many false teachers around.” (I Juan 4:1 TLB)

Ang sinisiyasat ng Iglesia Ni Cristo sa Iglesia Katolika at sa ibang relihiyon ay ang kanilang mga aral. Hindi nagpaparatang o gumagawa ang Iglesia Ni Cristo ng mga malilisyoso at mga walang batayan akusasyon. Hindi namin kailanman tinuligsa ang kanilang pagkatao o karakter, at hindi kailanman gumawa ng pag-atakeng personal (“personal attack”). ANG TOTOO AY SILA ANG GUMAGAWA NITO LABAN SA AMIN.



Ang sinisiyasat namin ay ang kanilang aral o doktrina. Kung anuman ang kanilang ginawang anomalya o kasalanan, hindi iyon ang aming inihahayag kundi ang kamalian ng kanilang mga aral.

Ang totoo, ang ihayag ang kamalian upang ang tao ay makarating sa katotohanan ay sinasang-ayunan at siyang isinagawa ng mga apostol at ng mga minsitro sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo. Ganito ang ipinagagawa ni Apostol Pablo sa kaniyang kamanggagawang si Timoteo:

“Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Cristo Jesus na ating pag-asa- Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya: Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaan buhat sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. Gaya ng pamanhik ko sa iyo nang ako'y papunta sa Macedonia, ibig kong manatili ka sa Efeso sapagkat may ilang tao roong nagtuturo ng maling aral. Iutos mong sila'y tumigil sa ginagawa nilang iyon. Pagsabihan mo rin sila na huwag nang pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat at di matapus-tapos na talaan ng mga angkan.  Ito'y pinagmumulan lamang ng mga pagtatalo at hindi makatutulong sa ikatutupad ng panukala ng Diyos, panukalang nalalaman ng tao sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang layunin ng tagubiling ito ay pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na budhi, at tapat na pananampalataya.” (I Timoteo 1:1-5 MB)

Ang utos ni Apostol Pablo sa kaniyang kamanggagawang si Timoteo ay patigilin ang mga nagtuturo ng mga maling aral. Ito ba ay paninira, pagbatikos, panunuligsa at masamang gawa? Ang sabi ni Apostol Pablo, “Ang layunin ng tagubiling ito pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya.”

Ang ihayag ang kamalian upang ang tao ay makarating sa katotohanan ay hindi paninira, pagtuligsa, pambabatikos lamang kundi sa katotohanan ay pagmamalasakit at pag-ibig kaya mabuting gawa. Ang itago ang kamalian at kasinungalingan at magalit sa mga taong naghahayag ng kamalian at katotohanan ang pandaraya, marumi at masamang gawa.

Kung paano pabubulaanan ang mga maling aral at gawa ay itinuro rin ni Apostol Pablo kay Timoeteo:

“Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus. Lahat ng kasulata'y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral. sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon,ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.” (II Timoteo 3:15-17 MB)

Ang Banal na Kasulatan na kinasihan ng Diyos ang dapat gamitin sa pagtuturo ng katotohanan at sa pagpapabulaan sa maling aral. Hindi ba’t ganito nga ang ginagawa ng Iglesia Ni Cristo.

Hindi naman salita lamang kami ng salita at walang ipinakikitang batayan na gayun nga ang kanilang aral o itinuturo. Binabasa namin ang mga aklat-Katoliko at ikinukumpara namin sa nakasulat sa Biblia. Hindi ang tinatalakay namin ay ang mga personal na kamalian at pagkakasala ng mga pari at lider Katoliko. Hindi ang aming tinatalakay at inihahahayag ay ang mga anomalya, krimen o kasalanang nagawa, ni hindi namin binabatikos ang kanilang pagkatao o karakter.

ARAL NG IGLESIA KATOLIKA ANG AMING SINISIYASAT AT IKINUKUMPARA SA ARAL NA NAKASULAT SA BIBLIA. 

Ang gawaing ito ay sinasang-ayunan at siya pa ngang ipinag-uutos ng Banal na Kasulatan. Ihayag ang kamalian, pabulaanan ang maling aral at ituro ang katotohanan sa pamamagitan ng Banal na Kasulatn o Biblia. Ayon kay Apostol Pablo ay ito ay sa layuning “pabukalin ang pag-ibig buhat sa pusong dalisay, malinis na budhi at tapat na pananampalataya.”

Mga kababayan, hindi kami naninira o nanunuligsa lamang. Hindi ninyo kailanman makikita sa amin ang pambabatikos sa pagkatao o karater, at ang pag-atake sa katauhan. Malinis at banal ang aming layunin, ihayag sa mga tao ang kamalian at kasinungaliangan upang makarating sa katotohanan.

Ang artikulong ito ay panimula at pasimula ng serye ng mga artikulo na nagsusuri sa mga aral ng Iglesia Katolika

1 comment:

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.