Si Cristo ba ang “Bato” na Kung Saan
Nakainom ang Bayang Israel
noon sa Panahon ni Moises?
Sister
Periwinlke Diaz Asked:
“Magandang araw po. Sabi po kasi ng mga taga
sanlibutan may existence na raw po si Jesus bago pa lalangin ang daigdig.
Katunayan nga raw po ay sya ang bato na gumabay kila Moses sa 1Cor 10:4…?”
The Pristine
Truth Answers:
Ang mga nagtuturong si Cristo ay
Diyos ay kailangang mapatunayan nila na si Cristo ay existido na noon pang una
(bago pa ipanganak ni Maria) sapagkat paano nga naman Siya magiging Diyos kung
hindi pa Siya existido noong una. Ang isa sa halimbawa ng ginagamit nila parapatunayan
na si Cristo ay existido na noon pang una ay ang I Corinto 10:4 na iniuugnay
nila sa Exodo 17:5-6:
“At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding
ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa
kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.” (I Corinto 10:4)
Sa talatang ito ay sinasabing “ang
batong yaon ay si Cristo.” Ang tinutukoy daw na “bato” ay ang nasa Exodo 17:5-6:
“At sinabi ng
Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga
matanda sa Israel;
at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at
yumaon ka. Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at
iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay
makainom. At gayon ginawa ni Moises sa
paningin ng mga matanda sa Israel.”
(Exodo 17:5-6)
Kung si Cristo daw ang “bato” na mula
rito nakainom ang mga Israelita nangsila’y nasa paglalakbay sa ilang sa panahon
ni Moises, kaya ang konklusyon nila ay si Cristo raw ay existido na noon pang
una? Tama ba sila?
Sa paggamit nila ng talatang ito para
patunayan na si Cristo ay Diyos at existido na noong una pa ay naghahayag na
hindi nila sinusuring mabuti ang mga talata ng Biblia kundi basta sa tingin
nila’y magagamit nila para patunayan ang kanilang paniniwala ay gagamitin na
nila. Ang totoo, sa paggamit nila ng mga talatang ito ay hindi lamang
inihahayag na hindi na nila sinusuring mabuti ang mga talatang kanilang ginagamit, kundi wala pa silang pakundangan
kung sila man ay lumabas na katawa-tawa. Ano po ang katunayan?
Pag-isipan
ninyong mabuti ang mgasumusunod:
(1)
Walang sinasabi sa I Corinto 10:4 at sa Exodo
17:5-6 na si Cristo ay Diyos at existido na noon pang una. Ito ay pagkaunawa,
haka-haka o pakahulugan lamang nila sa mga talata ng Biblia.
(2)
Kung tatanggapin natin na si Cristo mismo ang
batong sa pamamagitan niyaon ay nakainom ang bayang Israel, lalabas na pinalo ni Moises si Cristo, sapagkat ang batong
binabanggit sa Exodo 17:5-6 ay pinalo ni Moises ayon sa ipinag-uutos ng
Panginoon.
“At sinabi ng
Panginoon kay Moises, Dumaan ka sa harap ng bayan, at ipagsama mo ang mga
matanda sa Israel;
at ang iyong tungkod na iyong ipinalo sa ilog, ay tangnan mo sa iyong kamay, at
yumaon ka. Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at
lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon
ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel.” (Exodo 17:5-6, amin ang pagbibigay-diin)
(3)
Ayon naman sa I Cor. 10:4, si Cristo ay hindi
literal na bato kundi batong “ayon sa espiritu”:
“At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding
ayon sa espiritu; sapagka't nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa
kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.” (I Corinto 10:4)
Sa Magandang
Balita Biblia ay “batong espirituwal” ang banggit:
“At uminom
din ng iisang inuming espirituwal, mula sa Batong espirituwal na sumubaybay sa
kanila, at ang Batong iyon ay si Cristo.” (I Corinto 10:4 MB)
Ang “batong”
pinalo ni Moises at kung saan lumabas ang tubig at dahil doon ay nakainom ang
bayang israel
noong naglalakbay sila sa ilang ay talagang bato, literal na bato. Samantalang
ang binabanggit sa I Corinto 10:4 ay “batong ayon sa espiritu” o “espirituwal
na bato” na ito nga ang Panginoong Jesucristo.
Kaya naman
tinawag si Cristo na “batong espirituwal” ay sapagkat nagbibigay ng tubig na
buhay:
“Sumagot si
Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung
sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay.” (Juan
4:10)
Ang pag-inom
kay Cristo ay ang pagsampalataya sa Kaniya:
“Nang huling
araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Jesus ay tumayo at sumigaw, na
nagsasabi, Kung ang sinomang tao'y nauuhaw, ay pumarito siya sa akin, at
uminom. Ang sumasampalataya sa akin, gaya
ng sinasabi ng kasulatan, ay mula sa loob niya ay aagos ang mga ilog ng tubig
na buhay. Ngunit ito'y sinalita niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga
magsisisampalataya sa kaniya: sapagka't hindi pa ipinagkakaloob ang Espiritu;
sapagka't si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.” (Juan 7:37-39)
Kaya ginawa ni
Apostol Pablo ang paghahalintulad ay sapagkat ang mga pangyayari nang una ay anino
ng darating: (Col. 2:16-17 MB).
“Kaya't huwag
na kayong pasasakop sa anumang tuntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa
kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. Ang mga ito'y anino
lamang ng mga bagay na darating at si Cristo ang kaganapan nito.” (Colosas
2:16-17 MB)
No comments:
Post a Comment
Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.