CATHOLIC DEFENDERS:
GAGAWIN AT GAGAMITIN NILA ANG LAHAT MAKAPANIRA LAMANG
ANG mga Catholic Defenders ay gumagamit ng mga peke at gawa-gawa lamang na mga dokumento upang siraan at palabasing mali ang Iglesia Ni Cristo. Sa blog na ito ay isisiwalat at ibubunyag natin ang kanilang masamang gawaing ito.
SA KAGUSTUHANG MAGLABAS NG DOKUMENTO NA NAGSASABING SI KAPATID NA FELIX Y. MANALO DIUMANO ANG NAGTATAG NG IGLESIA NI CRISTO AY GUMAMIT SILA NG MGA PEKENG DOKUMENTO
Sa paghahangad ng mga Catholic Defenders na mapapaniwala ang mga tao na ang Iglesia Ni Cristo ay tatag lamang daw ni kapatid na Felix Y. Manalo ay may ginagamit silang mga dokumento raw na nagpapatotoo nito. Inilathala nila ito hindi lamang sa pamamagitan ng paglilimbag (print) kundi maging sa internet. Napaniwala naman ang iba na ang mga ito ay "tunay" at mga "lehitimong" mga dokumento kaya buong lakas-loob na ginamit ang mga ito na hindi na siniyasat na mabuti kung tunay nga ang mga ito.
May isang nagpakilalang isa raw siyang Catholic apologist na ginamit niya ito sa pag-aakalang sa pamamagitan nito ay masisira niya ang paninindigan ng Iglesia Ni Cristo. Ganito ang kaniyang ginawa:
Riel Lopez shared a link.
Not Founded by Brother Felix Y. Manalo
The faithful firmly believe that this Church is the fulfillment of biblical prophecies that the Church established by Christ would re-emerge in these last days for the salvation of humankind. We firmly believe that it is the Lord jesus Christ who founded the Iglesia Ni Cristo through biblical prophecies, and not Brother Felix Y. Manalo.
http://pristinesearch.blogspot.com/2013/01/iglesia-ni-cristo.html
Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Pagkatapos, ay sinabi niya: "Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INK - 1914?" Ang kaniyang sagot ay:
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5Pinalalabas niya na ayon sa "PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5" ay sinasabi raw sa rehistro na si kapatid na Felix Y. Manalo ang nagtatag ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Dahil dito, ang isa naming kasama ay nag-post sa kaniyang timeline ng tugon na ganito ang isinasaad:
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
RIEL,
SINIPI MO ANG “PASUGO AGOSTO-SETYEMBRE 1964, P. 5” NA SINASABI RAW NA AYON SA REHISTRO AY SI KA FELIX MANALO ANG NAGTATAG NG IGLESIA NI CRISTO. ITO ANG TANONG KO SA IYO:
(1) NAKITA MO NA BA ANG AKTUWAL NA AGOSTO-SETYEMBRE 1964, P. 5?
(2) NAKATITIYAK KA BANG MAYROONG AGOSTO-SETYEMBRE, 1964 NA PASUGO?
(3) AT KUNG MAYROON MANG AGOSTO-SETYEMBRE 1964 P. 5 AY SIGURADO KA BA NA IYON NGA ANG NAKASULAT?
Pagkatapos na itanong ang mga ito sa kaniya ay ganito ang patuloy na hamon ng aming kasama:
ITO ANG HAMON KO SA IYO: IPAKITA MO SA AMIN ANG AKTUWAL NA “PASUGO AGOSTO-SETYEMBRE 1964, P. 5” NA SINASABI MO.Sapagkat kung totoong mayroon nga ng kaniyang pinagbatayan (PASUGO Agosto-Setyembre 1964 p. 5") at dahil sa ginamit niya ito ay dapat niyang tiyaking mayroon nga at tama nga ang nakasulat ay patuloy siyang hinamon na bibigyan siya ng 48 hours upang maipakita niya at kung hindi ay nagsisinungaling at nandadaraya lamang siya. GANITO ANG NAGING TUGON NI RIEL:
Riel Lopez sorry but I don't have the real copy, to destroy what I said, maybe you should show me the actual Pasugo, then I will humbly admit that I was wrong. March 27 at 3:31pm · Like
Inamin niya na wala siyang kopya ng sinasabi niyang PASUGO. Pero ang hamon niya ay "to destroy what I said, maybe you should show me the actual Pasugo, then I will humbly admit that I was wrong." PANSININ ANG MGA SUMUSUNOD:
(1) Gumagamit siya ng hindi naman niya tiyak, inamin nga niya na hindi niya ito nakita, para sirain ang pananampalataya o paniniwala ng ibang tao. Sisirain mo ang pananampalataya ng isang tao sa isang "basahen" na kasinungaling pala, masasabi ba nating may malinis na layunin ang ganiyang mga tao para dalhin ang ibang tao sa katotohanan o ang talagang layunin nila ay makapanira lamang?
(2) Para raw masira ang sinabi niya na si "kapatid na Felix Y. Manalo lamang ang nagtayo ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas" ay ipakita raw sa kaniya ang aktuwal na kopya ng Pasugo. Teka muna. Dito ay makikitang walang layunin ang ganitong mga tao na ipakita ang KATOTOHANAN sapagkat prinsipyo pa lamang ng PAGPAPATOTOO ay ayaw na nilang sundin.
(a) THE BURDEN OF PROOF LIES ON THE AFFIRMATIVE. Siya ang nag-akusa siya ang magbigay ng katunayan na totoo ang sinasabi niya. Kung aakusahan ni Pedro si Juan na siya'y magnanakaw. Kung hindi makapagprisinta si Pedro ng katibayan, "automatic" na dapat ipagwalang-bahala ang kaniyang akusasyon. Hindi ba't ganiyang sa court of law. Wala kaming pananagutan na magprisinta at magpatunay. Sila ang nag-aakusa, kaya sila ang dapat magpatotoo sa kanilang akusasyon.
(b) Bakit babaliktarin niya (turning the table) samantalang ang stand namin ay fictitious ang PASUGO AGOSTO-SETYEMBRE 1964. WALA PONG GANITONG ISYU NG PASUGO.
(3) Pagnaipakita raw sa kaniya ang aktuwal na PASUGO ay "then I will humbly admit I was wrong." ANO! Ganoon na lang kadali iyon? "Sorry, nagkamali ako!" Itinulak mo ang tao sa bangin, "sorry". Sinaksak mo sa puso ang tao, "I will humbly admit I was wrong." Sinisira nila ang pananampalataya ng isang tao at pinaniniwala sa isang kamalian, "I will humbly admit I was wrong"? Napansin ninyo ang tunay na layunin ng mga taong ito - HINDI ANG MAKAPAGLIGTAS, KUNDI ANG MAKAPANIRA LAMANG. At kung mapatunayang mali sila ay lulusutan na lamang nila sa pagsasabing "sorry, mali ako." ANONG URING MGA TAO ITO NA HINDI ANG KAPAKANAN NG KALULUWA NG IBA ANG NILALAYON?
Nang maipit na siyang lubos ay ganito ang kaniyang INAMIN:
Riel Lopez this is my source:
http://katotohanantungkolsainc-1914.blogspot.com/
INAMIN NIYA NA ANG KANIYANG PINAGKUNAN AY ISANG BLOGSITE NA MGA CATHOLIC DEFENDERS DIN ANG GUMAWA. At ang batayan naman ng blog na ito ay isang munting aklat na Catholic Defenders din ang gumawa at nag-publish. HINDI BA'T MALAKING KALOKOHAN AT PANLOLOKO ITO!
Ngayong nabisto siya ay hindi na niya ginamit at inulit pa ito. Pagkalipas ng ilang araw ay nag-tag siya ng picture sa aming kasama na naka-usap niya. Isang picture ng isang kopya ng rehistro ng Iglesia Ni Cristo kung saan ay naka-underline ang mga pahayag na "the founder and head is Brother Felix Manalo." SUBALIT ITO PO ANG KATOTOHANAN UKOL SA DOKUMENTONG ITO:
Nang mai-post ang katotohanang ito, hinamon kami ng isa pang nagpapakilalang Catholic apologist na patunayan daw naming fake ito. Ito na naman sila. Ayaw talaga nilang pansinin ang pripsipyo ng maginoong pakikipag-usap o pagtatalo na THE BURDEN OF PROOF LIES ON THE AFFIRMATIVE. Kung sino ang nag-akusa ay siya ang magbigay ng patotoo. Subalit, tulad ng inaasahan WALA SILANG PATOTOO NA TUNAY AT LEHITIMO ANG DOKUMENTONG ITO.
Ang totoo ay maraming katibayan na peke ang dokumentong ito. Hayaan po ninyong i-reserve muna namin ang aming mga katibayan para po sa face-to-face public debate.
SUBALIT, SA PAMAMAGITAN PA LAMANG NITO AY NAPATUTUNAYAN NA NATIN NA GUMAGAMIT NG FAKE, FAVRICATED AT FICTITIOUS DOCUMENTS ANG MGA CATHOLIC DEFENDERS PARA LAMANG SIRAAN ANG IGLESIA NI CRISTO.
Marami pa po kaming ibubunyag na panghuhuwad nila para lamang siraan ang Iglesia Ni Cristo.
Nice one brother! :)
ReplyDelete