Sunday, April 21, 2013

Hebreo 10:5


Hebreo 10:5
Si Cristo Ba Ay Existido Na Noon Pang Una At Diyos Na Nagkatawang-Tao?



Sister Periwinkle Diaz Asked:

“Magandang araw po. Sabi po kasi ng mga taga sanlibutan may existence na raw po si Jesus bago pa lalangin ang daigdig. Katunayan nga raw po ay sya ang bato na gumabay kila Moses sa 1Cor 10:4 at nakausap nya raw po ang Ama sa Hebrews 10:5 tungkol sa inihandang katawan sa kanya bago pa sya isugo ng Ama sa lupa.”

Note: May bukod na artikulo na nailathala na na tumatalakay sa I Corinto 10:4.


The Pristine Truth Answers:

Si Cristo raw ay existido na noon pang una (may pre-existence) sapagkat pinatutunayan daw sa Hebreo 10:5 na kausap Siya ng Diyos bago Siya pumasok sa sanlibutan o bago Siya bumaba sa lupa:

“Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo.” (Hebreo 10:5)

Dahil din daw sa sinasabi sa talatang ito na “isang katawan ang sa akin ay inihanda mo” kaya maliwanag daw na si Cristo ay Diyos na pumasok sa kawatan ng tao o nagkatawang tao. Totoo po ba ito?

Tunay na ang mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay makabasa lamang ng talata na sa palagay nila’y magagamit sa pagpapatunay na si Cristo ay Diyos ay gagamitin na nila na hindi na susuriing mabuti ang sinasabi ng talata ng Biblia. Bibigyan na lamang nila ng pansariling pakahulugan upang palabasin na itinutururo ng talata na si Cristo ay Diyos. Ito ang mamapansin natin na paggamit nila sa Hebreo 10:5.



Pinatutunayan ba ng Hebreo 10:5 na
Existido na si Jesus noon pang una?

Ang pagsasabing “sapagkat kausap na ng Diyos noon pang bago pumasok si Jesus sa sanlibutan kaya nagpapatunay na Siya ay existido na noon pang una at Siya ay Diyos” ay wala sa talata ng Biblia kundi pakahulugan lamang nila sa talata. Ang Hebreo 10:5 ay bahagi ng sinipi mula sa Matandang Tipan ng sumulat ng Hebreo:

“Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.” (Hebreo 10:5-7)

Ang sinipi ni Apostol Pablo ay ang nakasulat sa Awit 40:5-8:

“Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; Ang aking pakinig ay iyong binuksan: Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi. Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; Sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin: Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso.” (Awit 40:6-8)

Kung tatanggapin natin na si Cristo ay existido na noon pang una (may pre-existencia) dahil sa Hebreo 10:5-7 ay lumalabas na kinakausap Siya dito ng Diyos, lalabas din na si Apostol Pablo man ay may pre-existencia rin:

“Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.” (Isaias 49:6)

Pinatutunayan ni Apostol Pablo mismo na siya ang katuparan ng hulang ito:

“Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.” (Gawa 13:47)

Kung paanong sa Awit 40:6-8 (na siyang sinipi ni Apostol Pablo sa Hebreo 10:5-7) ay kinakausap ng Diyos ang hinuhulaan, ganon din sa Isaias 49:6 (na siya namang sinipi ni Apostol Pablo sa Gawa 13:47 at pinatunayan niya na siya ang katuparan) ay kinakausap din ng Diyos ang hinuhulaan. Kaya kung ang Hebreo 10:5-7 ay nangangahulugang may pre-existencia na si Cristo na Siyang kinatuparan ng Awit 40:6-8 na sinisipi ng Hebreo 10:5-7 sapagkat sa hulang ito ay kinakausap ng Diyos ang hjinuhulaan, LALABAS na si Apostol Pablo man ay may pre-existencia rin sapagkat siya ang kinatuparan ng Isaias 46:9 na sinipi sa Gawa 13:47 sapagkat sa hula man na patungkol sa kaniya ay nasa uri din na kinakausap ng Diyos ang hinuhulaan.
Samakatuwid, ang Hebreo 10:5-7 ay hindi nagpapatunay na existido na ang Panginoong Jesucristo noon pang una.


Pinatutunayan ba ng Hebreo 10:5 na si
Cristo ay Diyos na Nagkatawang-tao?

Kung tatanggapin natin na si Cristo ay tunay na Diyos LALABAS na dalawa ang Diyos SAPAGKAT sinasabi sa talatang 7 na “ako’y pumarito…upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban”:

“Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban.” (Hebreo 10:5-7, amin ang pagbibigay-diin)

Kung si Cristo ay tunay na Diyos lalabas na ang tunay na Diyos (na si cristo) ay masunurin at gaganap sa kalooban ng isa pang Diyos. Mali ito sapagkat ang Panginoong Jesucristo mismo ang may pahayag na iisa lamang ang tunay na Diyos, ang Kaniyang Ama, at Siya ay SUGO ng iisang Diyos na tunay (ang Kaniyang Ama):

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak.” (Juan 17:3 at 1)

Pansinin na ang pagpapakilala ng Panginoong Jesucristo sa Kaniyang sarili ay hindi Diyos kundi ang Sugo ng iisang Diyos na tunay, ang Kaniyang Ama. Kaya, ito ang kahulugan ng sinasabi sa Hebreo 10:5 na Kaniyang “pagpasok sa sanlibutan” ay isinusugo Siya ng Diyos sa sanlibutan:

“Sapagka't gayon na lamang ang mga pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan;  kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.” (Juan 3:16-17)

Dapat din na mapansin na hindi ang kalikasan ni Cristo ang pinag-uusapan sa Hebreo 10:5-7 kundi ang paghahandog nghain sa Diyos:

“Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod. Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. Sa itaas ay sinasabi, Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig, at di mo rin kinalulugdan (mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan), Saka sinabi niya, Narito, ako'y pumarito upang gawin ang iyong kalooban. Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa. Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.” (Hebreo 10:5-10)

pansinin din na si Cristo ay hindi Diyos na pumasok sa isang katawan, kundi si Cristo ay talagang tao sa likas na kalagayan:

"Dati, tayo'y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak.  Kaya't tiyak ang pagkaligtas natin sa pamamagitan ng pagiging buhay ni Cristo.
“Sa pamamagitan ng isang tao - si Adan - naghari ang kamatayan dahil sa kanyang kasalanan.  Ngunit sa pamamagitan din ng isang tao-si Jesu-Cristo - higit ang kinamtan ng mga kinahabagan nang sagana at pinawalang-sala: sila'y maghahari sa buhay.  Kay laki ng kahigtan ng pagpapalang ito kaysa kasawiang iyon. Kaya't kung paanong nagbunga ng kaparusahan sa lahat ang kasalanan ng isang tao, ang pagkamatuwid naman ng isang tao ay nagdulot ng kapatawaran at buhay sa lahat.” (Roma 5:10-10 at 17-18 MB, amin ang pagbibigay-diin)

Bakit sinabi ng talata na ipinaghanda siya ng isang katawan? Sapagkat si Cristo na maghahandog ng Kaniyang katawan sa pagtubos sa tao ay panukala ng Diyos sa pasimula:

“Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Jesu-Cristo na ipinako sa krus...Ang tinutukoy ko ay ang panukala ng Diyos, na nalihim sa tao; itinalaga niya ito para sa ating ikaluluwalhati, bago likhain ang sanlibutan.” (I Corinto 2:2 at 7 MB)

Ganito pa ang patotoo ng Biblia sa Gawa 2:22-24:

“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito!  Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan. Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya.” (Gawa 2:22-24 MB)

Kaya kailangang ipaghanda ng katawan dahil sa pasimula ay panukala lamang ng Diyos ang paglalang o pagkakaroon ng Cristo na tutubos sa tao (cf. I Ped. 1:18-20; Roma 1:2-3). 

Samakatuwid, kung susuriin lamang mabuti ang talata ay maliwanag na makikitang hindi ito nagtuturo na si Cristo ay Diyos, kundi pagkaunawa o haka-haka lamang nila ito sa sinasabi ng talata ng Biblia.

No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.