Sagot kay “Catholic Leesing” tungkol sa
Purgatoryo
Ang isang nagtatago sa pangalang
“Catholic Leesing” ay nag-post ng tanong sa ating page na “The Question Box.”
Ganito ang kabuuan ng kaniyang tanong:
“sabi po ng mga pari, ndi daw tlga mababasa sa bibliya
ang salitang puragtoryo gaya ng pangalan ni ginoong Manalo na
sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa mga huling araw subalit gaya rin ng
paraan ng pagtuturo ninyo ay ndi man LITERAL ay nkalagay nmn ang dakong
kinalalagyan ng purgatoryo, sa
“Lucas 16:26
“26At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
“yaong pagitan daw na sinasabi sa lucas un daw ang dipinisyon ng purgatoryo. Totoo po ba ito? at kung ndi totoo ay patunayan ninyo.”
Salamat po Ginoong “Catholic
Leesing” sa inyong pagdalaw sa aming blog at nag-post pa ng tanong. Ang
ipinagtataka ko lang ay kung tunay kang nagsisiyasat lamang ay bakit kailangan
mong itago ang iyong pangalan? Tiyak naman akong hindi mo tunay na pangalan ang
“Catholic Leesing” di ba? Magkagayun man ay talakayin pa rin namin ang iyong
mga tanong.
Tuwiran na pa lang Inaamin ng mga paring
Katoliko sa kanilang mga kaanib na ang Purgatoryo ay Wala sa Biblia
Bago ang lahat, atin munang
pansinin ang sinabi ni “Catholic Leesing” na “Sabi po ng mga pari, ndi daw tlga mababasa sa bibliya ang salitang
puragtoryo…”
Ang totoo ay talaga namang
inaamin ng mga aklat Katoliko na wala sa Biblia ang purgatoryo:
“We shall not find this expression Purgatory in the
Bible…” [Handbbok of the Vatholic Faith, The Tryotych of the Kingdom. By Dr.
N.G.M. Van DirnikRev. S. Jeisma, p, Rev. A. Van de LisdonkRdited by Rev. John
Greenwood. Translated from the DutchNihil Onstat: Hubertus Richrads, S.T.L.,
L.S.S. Cenrur Deputatus. Imprimatur: E. Morrough Bernard. Vic. Gen. Image Books
edition. Published September 1956. Printed in the United States of America, 461.]
Sa pag-amin na ito ng mga paring
Katoliko sa kanilang mga kaanib na wala sa Biblia ang Purgatoryo ay may
hinaharap silang malaking suliranin sapagkat may pahayag din sila na ganito:
“No Church can call itself Christian if its teachings
are not in harmony with the Gospel.
“That is true. Since what the Gospels contain is
true, all that they teach must be included in the teaching of the Church which
claims to be Christian…”[Rev. Dr. Leslie Rumble, M.S.C. That Catholic Church.
Imprimatur: Johannes Gregorius Murray, Archbishop of St. Paul, Minn. Radio
replies Press, St. Paul, Minn., 1964, p. 69.]
Salamat po ng marami Ginoong
“Catholic Leesing” sa inyong ibinigay na impormasyon na inaamin na po pala ng
mga paring Katoliko sa kanilang mga kaanib na “wala talaga sa Biblia ang
purgatoryo. Tandaan na sila rin ang may sabi na ang “Walang Iglesia na
matatawag niya ang kaniyang sarili na Cristiano kung ang kaniyang mga turo ay
hindi kasang-ayon ng Ebanghelyo.”
Dahil dito, para makaahon sila sa
kahihiyan na may mga turo pa silang wala sa Biblia samantalang sila rin ang may
sabi na “hindi maaangkin ng sinuman na siya’y Cristiano kung ang kaniyang mga
turo ay hindi kasang-ayon ng Biblia,” kaya ginawa nila ang isang hakbang na
nagpapakita ng lkanilang pagiging desperado upang bigyang “katuwiran” o
mailusot ang “validity” ng kanilang mga aral na inaamin nilang wala sa Biblia.
Ganito pa ang pahayag ni Ginoong “Catholic Leesing”:
“sabi po ng mga pari, ndi daw tlga mababasa sa
bibliya ang salitang puragtoryo gaya
ng pangalan ni ginoong Manalo na sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa
mga huling araw…”
Tinatanggap na ba ng mga paring Katoliko ang “validity” ng pagka-Sugo
ng Diyos ni kapatid na Felix Y. Manalo kaya ginagamit na nilang batayan upang
patunayan ang “validity” ng Purgatoryo?
Sa ginawa nilang argumento na
nagsasaad na “ndi (hindi) daw tlga
(talaga) mababasa sa ibliya ang salitang puragtoryo (sic) gaya ng pangalan ni
ginoong Manalo na sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa mga huling araw…”
ay inakala ng mga paring Katoliko at ng mga Catholic Faith Defenders na
nakapagbigay na sila ng katuwiran o nailusot na nila ang “validity” ng kanilang
purgatoryo, subalit ang totoo ay nagpapakita ito kung gaano sila KAHINA sa
pangangatuwiran at kung gaano sila kadesperado na ilusot ang “validity” ng
kanilang purgatoryo, sapagkat:
(1) Lumalabas na ang batayan ng “validity” ng
kanilang purgatoryo na inaamin nila mismo na wala sa Biblia ay nasa validity ng
pagka-sugi ni kapatid na Felix Y. Manalo bagamat wala sa Biblia ang kaniyang
pangalan.
Tulad lang ito ng pahayag na: “Si Manuel ay mabuting tao na gaya ng kaniyang ama na isang ring mbuting
tao.” Ang batayan ng unang statement ay ang ikalawang statement;
pinatutunayan ang unang statement sa pamamagitan ng ikalawang statement; ang
“validity” ng unang statement ay nakasalalay sa “validity” ng ikalawang
statement.
Kaya sa pahayag na “ndi (hindi) daw tlga (talaga) mababasa sa
ibliya ang salitang puragtoryo (sic) gaya
ng pangalan ni ginoong Manalo na sinasampalatayanan ninyong sugo ng
Diyos sa mga huling araw…” ay lumalabas na ang “validity” ng purgatoryo na
inaamin nilang wala sa Biblia ay nasa “validity” ng ikalawang statement na “gaya
ng pangalan ni ginoong Manalo.”
(2) Sa “argumento” nilang ang kanilang doktrina
ukol sa purgatoryo ay valid kahit wala sa Biblia dahil GAYA din ng pangalang “Felix Y. Manalo” ay
wala rin naman sa Biblia na kinikilala ninyong sugo ng Diyos, lumalabas na
tinatanggap nila ang “validity” ng pagiging sugo ng Diyos ni kapatid na Felix
Y. Manalo.
Tinatatanggap na ba ng mga paring
Katoliko at ng mga Catholic Faith defenders ang “validity” ng pagka-sugo ng
Diyos ni kapatid na Felix Y. Manalo kahit ang kaniyang pangalan ay wala sa
Biblia kaya dito nila inihalintulad o iginaya upang patunayan ang “validity” ng
purgatoryo kahit ito ay hindi nakasulat sa Biblia [“ndi (hindi) daw tlga (talaga) mababasa sa ibliya ang salitang
puragtoryo (sic) gaya ng pangalan ni
ginoong Manalo na sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa mga huling
araw…”]?
Kung sasagutin nilang “oo”, aba,
salamat naman. Subalit, tiyak natin na ang sagot nila’y hindi. Kung hindi ay
bakit ninyo dito itinulad (“gaya ng pangalan ni ginoong Manalo”)
upang patunayan ang “validity” ng purgatoryo kahit hindi nakasulat sa Biblia.
Samakatuwid, kapag hinahanap
namin sa mga paring Katoliko at mga catholic Defenders ang “validity” ng purgatoryo
(maging ng Trinidad at iba) sapagkat hindi nakasulat sa Biblia, at ibinabalik
naman nila sa amin na “saan nakasulat ang pangalang Felix Y. Manalo sa Biblia kaya’t
huwag din daw hanapin sa kanila kung nakasulat din sa Biblia ang purgatoryo
(maging Trinidad at iba pa),” katumbas lang ito na tinatanggap nila ang
“validity” ng pagka-sugo ng Diyos ni kapatid na Felix Y. Manalo kahit ang
pangalan niya ay hindi nakasulat sa Biblia. Tulad nga ng sinabi ni Catholic
Leesing, “ndi (hindi) daw tlga (talaga)
mababasa sa ibliya ang salitang puragtoryo (sic) gaya ng pangalan ni ginoong Manalo….”
Kaya, kung patuloy nilang igigiit
at hahanapin ang pangalang “Felix Y. masnalo” sa Biblia na sinasampalatayanan
naming sugo ng Diyos sa mga huling araw kapag hinahanap namin sa klanila sa
Biblia ang purgatoryo (Trinidad at iba pa) subalit hindi naman pala nila
tinatanggap na “valid” o “tunay” ang pagka-Sugo ng Diyos ni kapatid na Felix Y.
Manalo, maaaring MANGMANG sila sa pamamaraan ng pangangatuwiran (“principles of
argumentation”), at kung igigiit nilang hindi sila mangmang sa “principles of
argumentation” ay lumalabas na “NANLOLOKO SILA.”
Ukol sa Lukas 16:26
Ang sabi ni Catholic Leesing ay “sabi po ng mga pari, hindi daw talaga
mababasa sa Biblia ang salitang purgatoryo” – salamat sa iyo Catholic
Leesing, magagamit namin ng husto ang mga salita mong ito. Kaya sa mga Catholic
Defenders at iba pa na nais manubok o manggulo sa blog na ito, tandaan ninyo na
“in this blog, you don’t have the right
to remain silence, because every thing you said will be used against you,”
LOL.
Sa kanilang desperadong hakbang
upang patunayan ang “validity” ng purgatoryo kahit wala sa Biblia ay ginamit nila ang talatang Lukas 16:26.
Ganito ang patuloy na pahayag ni “Catholic Leesing”:
“sabi po ng mga pari, ndi daw tlga mababasa sa
bibliya ang salitang puragtoryo gaya ng pangalan ni ginoong Manalo na
sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa mga huling araw subalit gaya rin ng
paraan ng pagtuturo ninyo ay ndi man LITERAL ay nkalagay nmn ang dakong
kinalalagyan ng purgatoryo, sa Lucas 16:26”
Pagkatapos niyang sitasin ang
nasabing talata ay ganito ang patuloy na naging pahayag ni “Catholic Leesing”:
“yaong pagitan daw na sinasabi sa lucas un daw ang
dipinisyon ng purgatoryo. Totoo po ba ito? at kung ndi totoo ay patunayan
ninyo.”
Ang sabi ni “Catholic Leesing”
“kung hindi totoo ay patunayan ninyo.” Hindi po ako o kami ang magpapatunay na mali sila ng
paggamit sa Lukas 16:26 kundi ang Biblia at ang “facts”. Una muna, ano ba itong
ipinahayag na ito ng Panginoong Jesucristo sa Lukas 16:26? Basahin natin ang
isinasaad ng Biblia:
19Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y
nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng
sagana: 20At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay
inilalagay sa kaniyang pintuan, 21At naghahangad na mapakain ng mga mumo na
nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at
hinihimuran ang kaniyang mga sugat. 22At nangyari, na namatay ang pulubi at
siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang
mayaman, at inilibing. 23At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya
ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa
kaniyang sinapupunan. 24At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa
akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang
daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
25Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng
iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay
masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa
kahirapan. 26At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay
sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa
inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
27At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay
ng aking ama; 28Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y
patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
29Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila Si Moises at ang mga propeta;
bayaang sila'y pakinggan nila. 30At sinabi niya, Hindi amang Abraham:
datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y
mangagsisisi. 31At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan Si Moises
at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa
mga patay.” (Luk. 16:19-31)
Ang Lukas 16:26 ay bahagi ng
TALINHAGA ng Panginoong Jesus ukol sa isang mayaman at sa isang pulubi na ang
pangalan ay Lazaro. Ano ba ang talinhaga (“parables” sa Ingles)? Ganito ang
depinisyon na ibinigay ng Talatinigan:
“1. moral or religious story intended to illustrate a
moral or religious lesson.
“2. story ascribed to Jesus: a parable that appears
in the Bible, as told by Jesus.” [Microsoft Encarte Encyclopedia, Microsoft
Encarta, c. 2009.]
Ang isang talinhaga ay “isang
kuwento” na nagtuturo ng aral (leksiyong) pang-moral o panrelihiyon. Kaya ag
sinasabi na “ndi daw tlga mababasa sa
bibliya ang salitang puragtoryo gaya ng pangalan ni ginoong Manalo na
sinasampalatayanan ninyong sugo ng Diyos sa mga huling araw subalit gaya rin ng paraan ng pagtuturo ninyo
ay ndi man LITERAL ay nkalagay nmn ang dakong kinalalagyan ng purgatoryo, sa
Lucas 16:26” ay isang “fallacy” o isang kamalian.
Ang tawag dito ay “fallacy of
wrong analogy.” Isang maling pagtutulad. Ang pinagbabatayan ng Iglesia ni
Cristo sa pagtuturong si kapatid na felix Y. Manalo ay sugo ng Diyos na bagamat
hindi mababasa ang kaniyang pangalan sa Biblia (sapagkat nabuay siya na libong
taon ng tapos ang Biblia) subalit hinuhulaan naman ng Biblia ang gawain na
natupad sa kaniya. Ang sinasabi naming may pahayag na “simbolikal” (hindi
literal) ay ang mga hula ng Biblia. Samantalang ang Lukas 16:26 ay hindi hula
kundi bahagi ng talinhaga.
Pansinin na itinulad na naman
nila sa kapatid na Felix Y. Manalo at sa pagtuturo ng Iglesia ni Cristo, “gaya
rin ng paraan ng pagtuturo ninyo ay ndi man LITERAL ay nkalagay nmn ang
dakong kinalalagyan ng purgatoryo, sa Lucas 16:26.”
Ibig bang sabihin ay tinatanggap ninyo
na ang paraan ng pagtuturo ng Iglesia ni Cristo ay tama dahil ginamit ninyong
batayan (“gaya rin ng paraan ng pagtuturo ninyo”)?
Talaga bang ganoon na kadesperado
ang mga paring Katoliko at mga Catholic Faith Defenders para ilusot ang
“validity” ng purgatoryo bagamat hindi nakasulat sa Biblia na kung anu-ano na
ang sinasabi na para bang hindi na pinag-iisipan? Akala ko ba’y nakatapos ang
mga ito ng “philosophy” at walong taong nag-aral? Natupad lang sa kanila ang
sinasabi ng Biblia na marurunong na naging mangmang”:
“Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat
pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa
pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang
kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: Sapagka't kahit
kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni
pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at
ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging
mga mangmang,” (Roma 1:20-22)
Ang sabi ni Catholic Leesing: “ndi man LITERAL ay nkalagay nmn ang dakong
kinalalagyan ng purgatoryo, sa Lucas 16:26.” Ulitin natin ang pagsipi sa
Lukas 16:26:
“At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging
nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini
hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan
hanggang sa amin.” (Lukas 16:26)
Pagkatapos ang konklusyon ni
Catholic Leesing ay: “yaong pagitan daw
na sinasabi sa lucas un daw ang dipinisyon ng purgatoryo. Totoo po ba ito? at
kung ndi totoo ay patunayan ninyo.”
Bagamat ang “burden of proof lies
on the affirmative” ay pagbibigyan po natin si Catholic Leesing. Ito po ang mga
patotoo na mali
sila:
(1)
Konklusyon lamang nila ang pagsasabing ang
binabanggit sa Lukas 16:26 na “pagitan” ay ang dako na kinalalagyan ng
purgatoryo. Ang kanilang pagtuturo ukol sa purgatoryo malinaw na sumasalungat
sa nakasulat sa Biblia:
“Datapuwa't pagparito ng Anak ng tao na nasa kaniyang
kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y
luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap niya
ang lahat ng mga bansa: at sila'y pagbubukdinbukdin niya na gaya ng
pagbubukodbukod ng pastor sa mga tupa at sa mga kambing; At ilalagay niya ang
mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. Kung
magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga
pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat
nang itatag ang sanglibutan:
“Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa
kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang
hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel.” (Mateo 25:31-34 at
41)
Dalawa lang
patutunguhan ng tao: kanan (ang mga maliligtas) at kaliwa (mga parurusahan),
walang gitna.
(2)
Ito ay bahagi lamang ng talinhaga ng Panginoong
Jesus, na kung isang kuwento na ginamit ng Panginoong Jesus upang magturo ng
isang aral ang tanggapin kung sino ang napapanahong isinusugo ng Diyos:
“At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na
suguin mo siya sa bahay ng aking ama; Sapagka't ako'y may limang kapatid na
lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa
dakong ito ng pagdurusa. 29Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila Si Moises
at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila. At sinabi niya, Hindi amang
Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila,
sila'y mangagsisisi. At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan Si
Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y
magbangon sa mga patay.” (Luk. 16:27-31)
(3)
Ang “pagitan” na tinutukoy sa Lukas 16:26 ay
“isang malaking bangin”:
“At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking
banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo...” (Lukas 16:26)
Kung ang purgatoryo
o ang dako ng purgatoryo ang tinutukoy na “pagitan” sa Lukas 16:26, ;alabas na
ang purgatoryo pala ay “isang malaking bangin.”
(4)
Ang “isang malaking bangin na ito” ayon sa
talinhaga sa Lukas 16:26 ay “upang ang mga mag-ibig tumawid ay hindi
makatawid”:
“At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking
banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid
buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula
diyan hanggang sa amin.” (Lukas 16:26)
Ang sa Lukas
16:26 ang “isang malaking bangin” na ito ay upang ang nasa kaparusahan ay hindi
makatawid, at ang nasa kabila ay hindi makatawid.” Ang sabi ni Catholic Leesing
ay ang nasa Lukas 16:26 ay ito raw ang depinisyon ng purgatoryo.
(5)
Wala namang binabanggit na mga taong naroon sa
“pagitan” na iyon na isang malaking bangin. Samantalang ang purgatoryo ay
“kinaroroonan daw ng mga kaluluwang may maliit na kasalanan”:
“May mga taong namamatay sa biyaya (walang kasalanang
mortal) subalit hindi ganap na malaya sa mga maliliit na kasalanan…” (Linsen,
Gerard, C.L.C.M., S.T.D.. Buhay Katoliko. Isinalin sa Pilipino nina Rev.
Hernando delos Reyes, Rev. Rodolfo Gallardo, Rev. Sixto Ramirez, Cum
Permissione Superiorum: Charles Tieters, C.I.C.M. Prov. Sup. Nob. 15, 1959.
Nihil Obstat: Artemio G. Casas, Pbro. Censor Librorum. Imprimatur: Rufino J.
Santos, D.D. Archbishop of Manila.
St. Paul’s
Publication, 1962, p. 188.)
Kaya, pinipilipit lamang ng mga
paring Katoliko at mga Catholic Faith Defenders ang mga talata ng Biblia upang
palabasin na sinasang-ayunan ng Biblia ang kanilang mga aral na itinataguyod.
Samakatuwid, isang katotohanan na
ang purgatoryo ay wala sa Biblia bagkus ay lumalabag pa sa katotohanang
nakasulat sa Biblia. Ang ganitong mga aral ay itinatagubilin ng mga apostol ay
dapat itakuwil:
“Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa
ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito'y hindi
ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at
nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa't kahima't kami, o
isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na
iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Galacia 1:6-8
Dapat itakuwil ang mga maling
aral o hidwang pananampalataya sapagkat hindi ito ikaliligtas bagkus ay
ikapapahamak:
“At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang
mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam,
mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga
pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga
kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol
sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking
pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay
hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.” (Galacia 5:19-21)
No comments:
Post a Comment
Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.