Kung Paano
Natin Dapat Harapin ang Panibagong Taong Darating
Sa taong ito na lilipas ay tunay na
dumaan ang ating bansa sa maraming pagsubok: dumaan ang malalakas na bagyo, ang
malalakas na pag-ulan (ang “Habagat”), ang mga pagbaha, pagguho ng lupa, at iba
pa. Ang mga malalagim na mga pangyayaring ito ay hindi lamang sumira ng
maraming ari-arian kundi kumitil din ng maraming buhay. Hindi lamang ang mga
nasalanta ng mga kalamidad ang nakaranas ng mga matitinding pagsubok sa buhay.
Mayroong mga dinatnan ng matinding kapighatian, kabagabagan, karamdaman,
kahirapan, kaguluhan at matitinding suliranin sa sambahayan. Sa panig ng mga
hinirang ng Diyos, nababatid natin na hindi maiiiwasan ang pagdaranas ng mga
matitinding pagsubok sa buhay. Batid din ng mga hinirang ng Diyos na patuloy na
magaganap ang mga kalamidad, kahirapan at kaguluhan sapagkat ang mga ito ay
palandaan na nagbabadya ng nalalapit na ikalawang pagparito ng ating Panginoong
Jesuscristo. Subalit, sa kabila ng ating naranasan, nararansan at mararansan pa
ay may paninindigan na hinahanap ang Diyos sa atin. Ito ang nakasulat sa Awit
34:1-4:
“Pupurihin
ko ang Panginoon anuman ang mangyari. Lagi kong sasalitain ang kaniyang mga
kaluwalhatian at biyaya. Ipagmamapuri ko ang lahat ng kaniyang kabutihan sa akin.
Hayaang magpakatatag ang mga nawawalan ng pag-asa . Sama-sama nating purihin
ang Panginoon, at dakilain ang kaniyang pangalan. Sapagkat humibik ako sa
kaniya at sinagot niya ako! Pinalaya niya ako sa lahat kong katakutan.” (Awit
34:1-4 TLB, salin sa Pilipino)
Anuman ang mangyari sa ating
paligid at sa ating buhay ay patuloy nating pupurihin ang ating Panginoong
Diyos. Hindi natin iiwan ang ating pagsamba at paglilingkod sa Kaniya.
Nababatid natin na ang Panginoong Diyos ang tanging makatutulong at makasasaklolo
sa atin kaya sa Kaniya natin inilagak ang ating pag-asa, ang ating buhay, at
ang ating pamumuhay:
“Sa
Diyos mo hanapin ang kaligayahan, At ang pangarap mo'y iyong makakamtan. Ang
iyong sarili'y sa Diyos mo ilagak, Pag nagtiwala ka'y tutulungang ganap; Ang
kabutihan mo ay magliliwanag, Katulad ng araw kung tanghaling tapat. Sa harap
ng Diyos ay pumanatag ka, Maging matiyagang maghintay sa kanya; H'wag mong
kainggitan ang gumiginhawa Sa likong paraan, umunlad man sila.” (Awit 37:4-7 MB)
Hindi natin kaiinggitan ang mga
gumagawa ng likong paraan, umunlad man sila. Matiyaga nating hihintayon ang
Kaniyang pagsaklolo at pagtulong sa atin.
Kaya, sa panibagong taong
darating ay haharap tayo na may pag-asa sapagkat nagtitiwala tayong ganap sa
ating Diyos na anuman ang mangyari ay hindi Niya tayo pababayaan, kaya anuman
ang mangyari ay pupurihin natin Siya. Hindi tayo titigil sa pagsamba,
pananalangin at paglilingkod sa Kaniya, bagkus ay lalo tayong magpapakasigla.
,,nakaka relate po sa isang tao ang mga aral na iyan,,lahat ng tao ay kailangan ang patnubay ng dakilang lumuikha..
ReplyDelete