Hebreo 10:5
Si Cristo Ba Ay Existido Na Noon Pang Una At Diyos Na Nagkatawang-Tao?
Sister
Periwinkle Diaz Asked:
“Magandang araw po. Sabi po kasi ng mga taga sanlibutan may existence na raw po si Jesus
bago pa lalangin ang daigdig. Katunayan nga raw po ay sya ang bato na
gumabay kila Moses sa 1Cor 10:4 at nakausap
nya raw po ang Ama sa Hebrews 10:5 tungkol sa inihandang katawan sa kanya bago
pa sya isugo ng Ama sa lupa.”
Note: May bukod
na artikulo na nailathala na na tumatalakay sa I Corinto 10:4.
The Pristine
Truth Answers:
Si Cristo raw ay existido na noon
pang una (may pre-existence) sapagkat pinatutunayan daw sa Hebreo 10:5 na
kausap Siya ng Diyos bago Siya pumasok sa sanlibutan o bago Siya bumaba sa
lupa:
“Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay
sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay
inihanda mo.” (Hebreo 10:5)
Dahil din daw sa sinasabi sa
talatang ito na “isang katawan ang sa akin ay inihanda mo” kaya maliwanag daw
na si Cristo ay Diyos na pumasok sa kawatan ng tao o nagkatawang tao. Totoo po
ba ito?
Tunay na ang mga naniniwalang si
Cristo ay Diyos ay makabasa lamang ng talata na sa palagay nila’y magagamit sa
pagpapatunay na si Cristo ay Diyos ay gagamitin na nila na hindi na susuriing
mabuti ang sinasabi ng talata ng Biblia. Bibigyan na lamang nila ng pansariling
pakahulugan upang palabasin na itinutururo ng talata na si Cristo ay Diyos. Ito
ang mamapansin natin na paggamit nila sa Hebreo 10:5.