Saturday, September 28, 2013

Kung Bakit si Cristo ay Tao at Hindi Diyos


KUNG BAKIT SI CRISTO AY TAO AT HINDI DIYOS


TANONG:

“gud pm po ako po pala si bro alvin roque isang born again christian. mayroon po ako katanungan bakit sinasabi nyo ang panginoon Hesu-Kristo ay tao hindi diyos may nasusulat ba sa biblia yun?”



SAGOT:

Ang pahayag po na si Cristo ay tao ay hindi po amin kundi ang Panginoong Jesus po mismo ang may sabi nito:

Juan 8:40
“Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.”

Hindi lamang malinaw na ipinahyag dito ng Panginoong Jesus na Siya ay tao kundi ipinakita rin niya na IBA SIYA SA DIYOS. Ang sabi Niya ay "taong sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan na aking narinig sa Dios." IBA SI JESUS NA NARINIG ANG KATOTOHANAN  KAYSA SA DIYOS NA KINARINGGAN NIYA NG KATOTOHANAN.

Ang pahayag ng Panginoong Jesus na Siya ay tao ay KATUMBAS NA SIYA AY HINDI DIYOS. Ganito ang pahayag ng Panginoong Diyos sa

Oseas 11:9
“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.”

Malinaw po ang pahayag ng Diyos na “Ako’y Dios, at hindi tao.” Ang totoo ay sinabi rin po ng Panginoong Diyos na ang tao ay hindi Diyos:

Ezekiel 28:2
“Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong  sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man IKAW AY TAO, AT HINDI DIOS, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;” (Emphasis mine)

Malainaw po na nakasulat sa Biblia ang pahayag ng Diyos mismo na ANG DIYOS AY HINDI TAO, AT ANG TAO AY HINDI DIYOS.

PANSININ PO NINYO: KUNG ANG DIYOS AY HINDI TAO AT ANG TAO AY HINDI DIYOS, AT SI CRISTO MISMO ANG MAY PAHAYAG NA SIYA AY TAO, SAMAKATUWID, ANG KATUMBAS NG SINABI NI CRISTO AY SIYA’Y HINDI DIYOS.

Ang Diyos po ay hindi tao sapagkat Siya ay espiritu sa likas na kalagayan (Juan 4:24), na ang katumbas po ay Siya’y walang laman at buto:

Lukas 24:38-39
“At sinabi niya sa kanila, Bakit Kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Ang Diyos po ay espiritu – walang laman at buto, samantalang ang tao ay laman (Gen. 6:3). Samakatuwid, ANG DIYOS AY HINDI TAO SAPAGKAT SIYA AY ESPIRITU WALANG LAMAN AT BUTO, AT ANG TAO AY HINDI DIYOS SAPAGKAT SIYA’Y MAY LAMAN AT BUTO.

Sa Lukas 24:38-39 ay malinaw din po na sinabi ni Cristo na “ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita NA NASA AKIN.”

Kaya kung tatanggapin natin na si Cristo ay Diyos na totoo at taong totoo ay nalalabas na si Cristo ay totoong walang laman at buto, at totoong may laman at buto.

Totoo po na walang imposible sa Diyos, subalit isa ring katotohanan na hindi gagawin ng Diyos ang isang “kaguluhan” – ‘confusion” at “absurdity” na tulad ng “Diyos na totoo” (walang laman at buto) at “taong totoo” (may laman at buto) – sapagkat ang Diyos ay hindi Diyos ng kaguluhan:

I Corinto 14:33 KJV
“For God is not the author of confusion…”

Dapat ding tandaan na ang Diyos ay tapat sa Kaniyang salita na hindi niya sisirain o babaliin ang Kaniyang sinalita:

Santiago 1:17
“Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.”

Sinabi ng Diyos na “Ako’y Dios (isang espiritu, walang laman at buto) at hindi tao (hindi isang may laman at buto).” Hindi ito sisirain, hindi ito babaliin ng Diyos na “walang pagbabago, kahit anino man ng pag-iiba.”



Samakatuwid, tandaan po natin ang mga katotohanan na itinuturo ng Biblia:

(1) Si Cristo mismo ang nagsabi na Siya ay tao (Juan 8:40).

(2) Ipinakita rin ni Cristo na iba Siya sa Diyos (Juan 8:40).

(3) Ang katumbas ng sinabi ni Cristo na Siya ay tao ay siya’y HINDI DIYOS, sapagkat ang Diyos ay hindi tao at ang tao ay hindi Diyos (Ose. 11:9; Ezek. 28:2).

(4) Hindi maaaring si Cristo ay tao at Diyos pa sapagkat lalabas na si Cristo ay may laman at buto (taong totoo) at walang laman at buto (Diyos na totoo).(Luk. 24:38-39)

(5) Sabihin man na walang imposible sa Diyos subalit gagawin ng Diyos ang isang kaguluhan (confusion at absurdity) na ang kapuwa walang laman at buto at may laman at buto, sapagkat ang Diyos ay “not the author of confusion.” (I Cor. 14:33 KJV)

(6) Ang Diyos ay tapat sa Kaniyang salita Sinabi ng Diyos na “Ako’y Dios (isang espiritu, walang laman at buto) at hindi tao (hindi isang may laman at buto).” Hindi ito sisirain, hindi ito babaliin ng Diyos na “walang pagbabago, kahit anino man ng pag-iiba.”

Kung hindi si Cristo ang kinikilalang Diyos ng Iglesia Ni Cristo ay ano ang pagkakilala ng Iglesia Ni Cristo sa Kaniya at sino ang kinikilala naming iisang tunay na Diyos? Ganito ang mismong pahayag ni Cristo:

Juan 17:1,3
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

Ang Ama ang kinikilala naming iisang tunay na Diyos, at si Cristo ang Anak ng Diyos na Kaniyang isinugo.

No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.