Monday, May 27, 2013

Ang Iglesia Katolika ba ang Iglesiang Itinayo ni Cristo noong Unang Siglo? Part One "Hindi Sapagkat sa Pangalan Pa lang ay Bagsak na"


ANG IGLESIA KATOLIKA BA ANG IGLESIA NI CRISTO NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?
Part One

“Hindi Sapagkat sa Pangalan pa lang ay Bagsak na”






MALIMIT NATING MARINIG o mabasa na sinasabi ng mga Catholic Defenders na "ang Iglesia Katolika ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo o noong 33 AD."

Subalit, mapapansin na sila na rin ang may pahayag na "Iglesia ni Cristo" ang itinayo ni Cristo noong unang siglo, samantalang sila ay "Iglesia Katolika Apostolika Romana." Kung sa pangalan pa lang ay magkaiba na, kaya hindi mali na sabihing ang Iglesia Katolika ay nagpapanggap lamang na siya ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Cristo nong unang siglo.

Ang ikinakatuwiran nila ay hindi naman daw tinatawag na “Iglesia ni Cristo” ang Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. May nangangatuwiran pa nga na wala naman daw pangalang itinatawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. At iba naman, sapagkat ang Iglesia Katolika ay aminado silang hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo, subalit sinasabi nila na hindi naman daw mahala ang pangalan.

Totoo ba ang sinasabi nilang ito? Ito ngayon ang ating siyasatin sa pagkakataong ito.



MAY PANGALANG ITINATAWAG SA
IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO

May pangalan nga ba na itinatawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo? Sa Sabtiago 2:7 ay ganito ang mababasa:

“Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag?”

Maliwanag na ang mga Cristiano ay tinatawag sa “marangal na pangalan” na ayon sa saling Magandang Balita Biblia ay ito ang pangalang ibinigay sa kanila ng Diyos:

“Hindi ba't sila rin ang dumudusta sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?” (Santiago 2:7 MB)

Ito ang pangalan ni Cristo ayon naman sa pinatutunayan sa Gawa 4:12:

“Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.” (Gawa 4:12 MB)

Maging ang Panginoong Jesucristo ay nagpapatotoo na ang Kaniyang mga hinirang na tinatawag din Niyang Kaniyang mga tupa ay “tinatawag sa pangaln”:

“Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig:  at TINATAWAG  ANG KANIYANG SARILING MGA TUPA SA PANGALAN, at sila'y inihahatid sa labas.” (Juan 10:3, amin ang pagbibigay-diin)

Bago umakyat ang Panginoong Jesucristo sa langit ay idinalangin Niya sa Diyos na ingatan ang Kaniyang mga hinirang sa pamamagitan ng PANGALAN na ibinigay sa Kaniya ng Diyos:

“At ngayon, ako'y papunta na sa  iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.  Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay  mo sa akin, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” (Juan 17:11 MB)

Samakatuwid, ang mga hinirang ni Cristo ay tunay na may pangalang itinatawag sa kanila, ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Panginoong Jesucristo. Kaya, malaiwanag sa Biblia na ang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalan ni Cristo.


PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung hindi siya tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo, kundi tinatawag siya sa pangalang “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?


TINATAWAG SA PANGLANG
“IGLESIA NI CRISTO”

Paano kung itawag ang pangalan ni Cristo sa tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo? Sa Roma 16:16:

“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

Ang tawag ng mga apostol sa Iglesiang itinayo ni Cristo ay “iglesya ni Cristo” o “Iglesia ni Cristo” (ang “Iglesya ni Cristo” at “Iglesia ni Cristo” ay iisa at hindi magkaiba). Marapat lamang na ang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo” sapagkat:

1.   Si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Kung si Cristo ang nagtatag ng tunay na Iglesia, marapat lamang na tawagin ito sunod sa Kaniyang pangalan.

2.   Pinatutunayan din sa Mateo 16:18 na ang tunay na Iglesia ay kay Cristo o pag-aari Niya:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” (Mateo 16:18, amin ang pagbibigay-diin)

Ang sabi ni Cristo ay “itatayo ko ang AKING IGLESIA.” Kung si Cristo ang may-ari at ang Iglesiang itinayo Niya ay Kaniyang pag-aari, marapat lamang na tawagin sunod sa Kaniyang pangalan.

3.   Si Cristo ang ulo at ang Iglesia ay katawan ni Cristo:

“At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” (Colosas 1:18)


Bilang Siyang ulo ng Iglesia, marapat lamang na tawagin ang Iglesiang itinayo ni Cristo sunod sa Kaniyang pangalan.

Maging ang mga awtoridad Katoliko mismo ay nagpapatunay na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Ganito ang pahayag ng isang paring Katoliko sa aklat na Religion: Doctrine and Practice, sa pahina:

“5. Did Jesu Christ established a Church?
“Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.”

(Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools. 12th and revised edition. Imprimi Potest: Charles H. Cloud, S.J. Provincial of the Chicago Province. Imprimatur: George Cardinal Mundelein, Archbishop of Chicago. Chicago: Loyola university Press, 1934, p. 442-443.)

Kaya ang hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo ay hindi tatag ni Cristo. Hindi kay Cristo, at hindi ang Kaniyang pinangunguluhan.


PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maangkin ng Iglesia Katolika na siya ang Iglesiang itinayo ni Cristo gayung aminado naman sila na ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay “Iglesia ni Cristo” gayung sila ay “Iglesia Katolika Apostolika Romana”?



ANG KAHALAGAHANG TINATAWAG SUNOD
SA PANGALAN NI CRISTO O SA PANGALANG
“IGLESIA NI CRISTO”

Ano ang pinatutunayan na ang Iglesia Katolika ay hindi tinatawag sunod sa pangalan ni Cristo? Sa Gawa 4:12 ay ganito ang sinasabi:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Ganito kahalaga na tinatawag sa pangalan ni Cristo. Ang sabi ng Biblia, “St sa kanino mang iba ay walang kaligtasan.”


PAG-ISIPAN NATIN

Paanong maaangkin ng Iglesia Katolika na na sila ang tunay na Iglesiang may kaligtasan kung hindi sila tinatawag sa tanging pangalang ibinigay ng Diyos na sukat nating ikaligtas?


Totoong hindi basta tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak nang ito ang tunay na Iglesiang kay Cristo, subalit isang katotohanan na kung hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay tiyak na hindi siyang Iglesiang itinayo ni Cristo.

Kaya, ang argumento ng mga Catholic Defenders na hindi lamang ang Iglesia ni Cristo ang Iglesiang tinatawag sa pangalang “Iglesia ni Cristo” ay hindi nagpapatunay na sila ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo, sapagkat hindi naman sila tinatawag sa pangalan ni Cristo.

Tulad lang ito halimbawa ng paghanap natin sa tunay na may-ari ng isang lupa. Kung ang tunay na may-ari ay “Pedro dela Cruz,” kung gayun, ang taong nagsasabing siya ang may ari ng lupa subalt hindi naman “Pedro dela cruz” ang pangalan, ay tiyak na tiyak na hindi siya ang may-ari ng nasabing lupa. Kung higit man sa isa na may pangalang “Pedro dela Cruz” ang nag-aangkin ng lupa, tiyak na ang mga hindi tinatawag sa pangalang ito ay hindi na isasama ng korte sa sisiyatin kung sino nga ang tunay na “Pedro dela Cruz” na may-ari ng lupa.

Samakatuwid, sa paggamit natin ng “process of elimination” ay tiyak na tiyak na “eliminated” na agad ang Iglesia Katolika sa mga dapat na suriin kung alin ang tunay na “Iglesia ni Cristo,” sapagkat hindi nga sila tinatawag sa pangalan ni Cristo o sa pangalang “Iglesia ni Cristo.” Dahil dito, sa paghanap ng tunay na Iglesia ni Cristo ay tiyak na hindi ito ang Iglesia Katolika.



No comments:

Post a Comment

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Frequently Asked Questions


About the


Baptism



Bible



Bible and Qur'an




Contributions/Offerings



Death



Devil, Evil, Satan



Eating of Blood, prohibition on





Salvation



Soul

Worship Services




HAVE QUESTIONS?

You can post your questions here.