ANG IGLESIA KATOLIKA BA ANG IGLESIA NI
CRISTO NA ITINAYO NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO?
Part One
“Hindi Sapagkat sa Pangalan pa lang ay
Bagsak na”
MALIMIT NATING MARINIG o mabasa na sinasabi ng mga Catholic Defenders na "ang Iglesia Katolika ang Iglesia ni Cristo na itinayo ni Cristo noong unang siglo o noong 33 AD."
Subalit, mapapansin na sila na rin ang may pahayag na "Iglesia ni Cristo" ang itinayo ni Cristo noong unang siglo, samantalang sila ay "Iglesia Katolika Apostolika Romana." Kung sa pangalan pa lang ay magkaiba na, kaya hindi mali na sabihing ang Iglesia Katolika ay nagpapanggap lamang na siya ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Cristo nong unang siglo.
Ang ikinakatuwiran nila ay hindi
naman daw tinatawag na “Iglesia ni Cristo” ang Iglesiang itinayo ni Cristo
noong unang siglo. May nangangatuwiran pa nga na wala naman daw pangalang
itinatawag sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo. At iba naman,
sapagkat ang Iglesia Katolika ay aminado silang hindi tinatawag sa pangalang “Iglesia
ni Cristo, subalit sinasabi nila na hindi naman daw mahala ang pangalan.
Totoo ba ang sinasabi nilang ito?
Ito ngayon ang ating siyasatin sa pagkakataong ito.