SAGOT SA MGA TANONG SA IGLESIA NI CRISTO:
"DUGO BA NG ISANG TAO ANG MAGLILIGTAS SA INYO?"
TANONG NI AEONIAN KASMIR
"Aeonian Kasmir Dugo pala ng isang tao ang
magliligtas sa inyo, tao lang si Kristo diba ? Sabe nyo ? Tao pala magliligtas
sa inyo. Binulag na kayu ng ministro nyu"
SAGOT:
BAKIT ANG DIYOS PO BA AY MAY DUGO? Ang Diyos po ay
espiritu (Juan 4:24), at ang espiritu ay walang laman at buto (Lukas 24:38-39).
Kaya nga po sinasabi ng Biblia na ang Diyos
ay magliligtas sa pamamagitan ni Cristo:
"SA IISANG DIOS NA ATING TAGAPAGLIGTAS, SA
PAMAMAGITAN NI JESUCRISTO NA ATING PANGINOON, ay sumakaniya nawa ang
kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa
kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa." (Judas
1:25, amin ang pagbibigay-diin)
MALIWAG PO NA SI JESUS NA ITINALAGA NG DIYOS NA
MAGLILIGTAS AY ISANG TAO NA MAY LAMAN AT DUGO:
Hebreo 2:10,14 MB
10Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya'y
pinapaging-ganap ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang
makapagdala ng marami sa kaluwalhatian. Marapat lamang na gawin niya iyon
sapagkat SI JESUS ANG PINAGMUMULAN NG KANILANG KALIGTASAN.
14YAMANG ANG MGA ANAK NA TINUTUKOY NIYA AY TAO,
NAGING TAO RIN SI JESUS, TULAD NILA - MAY LAMAN AT DUGO. Ginawa niya ito upang
sa pamamagitan ng kanyang kamatayan ay maigupo niya ang diyablo na siyang may
kapangyarihan sa kamatayan.
(amin ang pagbibigay-diin)
Hindi kami "binulag ng mga ministro ng Iglesia
ni Cristo, kundi ipinakita sa amin ang maliwanag na pagtuturong ito ng
Biblia." NAPAKALIWANAG NAMAN NG NAKASULAT SA BIBLIA DI PO BA? Angbinulag
po ng kadilimang ito ay ang napakaliwanag na ng nakasulat sa Biblia na
"ang Diyos ay magliligtas sa pamamagitan ni Cristo" na "tao na
may laman at dugo" AY TINUTUTULAN ITO AT PARA SA KANILA AT MALI ITO. Sila
ang katuparan ng sinasabi sa I Corinto 4:4:
"Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang
mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang
ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng
Dios."